Isang Netizen Ang Nagbahagi Ng Kanyang Panghihinayang Sa Inipong Pera Sa Isang Alkansyang Kawayan! Noong Binuksan Na Kasi, Kinain Na Ng Anay!



Isa sa mabisang paraan para makaipon ng pera na hindi mo na kailangan pumunta sa mga kilalang mga bangko ay ang pagiipon sa alkansya. Totoo namang mahirap magipon. Kinakailangan magsakripisyo at magtiis upang lumago ang iyong ipon. Ang mga alkansyang nabibili minsan ay may mga paraan upang mabawasan ang laman. Kaya minsan magiisip tayo kung ano ang pinaka-mainam na alkansya upang maging ligtas ang iipuning pera.


Pero paano kapag ang naipon mong pera ay nawala? Paano kapag nawala ito? O kaya naman ay nasira? Ano kaya ang mararamdaman mo? Isang pinaguusapan ngayon na post ay ang nakaka-lungkot na sinapit ng isang netizen. Ang inipon niyang pera ay kinain at sinira ng anay. Ayon sa Facebook page na Walwal, may nagbahagi ng litrato ng mga sira-sirang inipong pera na nilagay sa kawayang alkansya. Totoong mahirap dukutan ng pera ang kawayang alkansya kaso ang negatibo dito ay ang anay na kakain sa mga papel na ipinasok. Mas mainam siguro kung mga barya na lang ang nilagay niya sa kawayan. Siguradong ligtas ang mga barya sa kawayan




Sa litrato na ibinahagi, ang masakit sa damdamin ay ang mga sira-sirang isang libong piso 1,000Php. Pero ang marami dito ay ang mga sirang 50Php at ilang mga 100Php. Nakaka-hinayang ba? Sa tingin mo ba ay kaya pang maayos ang mga pera? Kaya pa ba ng mga pandikit o scotch tape?


Sa kabutihang palad ay pwede pa itong mapalitan. Dahil hindi naman nakain lahat ng anay ang pera. At may mga mahahalagang bahagi pa ng pera ang nakikita, maaari itong mapalitan. Ang gagawin niya lang ay linisin ito at dalhin sa Bangko Sentral Ng Pilipinas. Papalitan ng BSP ang mga sirang pera.




error: Content is protected !!