Marami ang nagalit sa ina na ito matapos niyang iwanan ang kanyang sanggol sa sasakyan at kumain ng almusal kasama ang kanyang mga kaibigan!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang nakakapang-galit na ginawa ng mga magulang sa kanilang anak matapos nila itong iwanan sa kanilang sasakyan mag-isa at namataang umiinom pala at naglalasing sa isang bar!



Ayon pa sa nasabing ina,bukas raw diumano ang pinto ng sasakyan at sandali lamang na iniwan ang bata upang pakainin ang mas nakatatandang anak nito. Ngunit tila hindi lang sila ang mga pabayang magulang sa mundo na iniiwan ang kanilang mga anak sa loob ng sasakyan para sa pansarili nilang kagustuhan.


Sa San Andres de Cholula, Mexico, laking gulat na lamang ng mga nagdaraang tao ang iyak ng isang sanggol sa isang nakaparadang sasakyan sa gitna ng tirik na araw sa isang mall. Halata sa mukha ng bata ang labis na pag-iyak dahil sa limitadong hangin at init sa loob ng sasakyan. Siya ay mapula na rin dahil sa labis na pag-iyak.


Buti na lamang ay may nagmagandang loob na hanapin ang ina ng sanggol at nang mailigtas ang kawawang bata. Nag-aapoy naman sa galit ang taong tumulong sa bata nang malaman na ang ina pala nito ay nasa loob ng mall at maginhawang kumakain ng almusal kasama ang kanyang mga kaibigan.



Ayon pa sa ibang mga tao sa lugar, malapit na nilang basagin ang salamin ng sasakyan upang mailigtas agad ang umiiyak at nahihirapang sanggol dahil mas mahalaga pa raw ang buhay ng bata kaysa sa mamahaling bintana ng sasakyan.

Marami ang nagalit sa ina ng sanggol at laking pasasalamat nito sa mga nagligtas sa kanyang anak. Bagamat lubos rin ang paghingi niya ng kapatawaran sa mga tao ay mas minabuti na rin nilang hayaan ito at paalalahanan na ito ay dapat magsilbing aral at paalala sa kanya upang mas maging maingat at maalaga sa kanyang anak.






error: Content is protected !!