Panibagong “Hachiko” naghintay ng 80 araw para sa namayapa niyang amo!



Nakilala dati ang isang aso na nagngangalang “Hachiko” dahil sa pagiging tapat nito sa kanyang apo at naghintay ito ng higit sa anim na taon sa isang istasyon ng tren sa Japan. Ngunit hindi na niya muling nasilayan ang amo niyang si Hidesaburo Ueno dahil sa ito ay naglaroon ng “cerebral hemorrhage” habang nasa kanyang trabaho.



Dahil lingid sa kaalaman ng kawawang aso na lumisan na ng tuluyan sa mundong ibabaw ang kanyang mahal na amo ay walang sawa pa rin siyang naghihintay at nag-aabang sa istasyon ng tren at wala siyang palya sa oras. Dahil sa nakakamanghang katapat nito ay nakilala siya sa buong mundo.




Kamakailan lamang ay mayroong kumalat na larawan ng isa na namang aso sa Mongolia na tinagurian nilang panibagong Hachiko. Naghintay ang aso na ito sa gilid ng kalsada ng 80 araw. Lingid rin sa kaalaman nito na maaaring naaksidente ang kanyang hinihintay at hindi na ito muling babalik pa.




Ang may-ari ng aso na ito sa Mongolia ay nabundol ng sasakyan noong Agosto 21 at namataan na ang aso roon mula noon, naghihintay sa pagbabalik ng kanyang mahal na amo. Ika-10 ng Nobyembre ay nakuhan muli ng larawan ang nasabing aso doon mismo sa lugar na iyon na patuloy at walang sawa pa ring naghihintay. Ang larawang ito ay umani ng maraming komento sa social media at sa buong mundo. Wala mang nakaaalam ng pangalan ng aso ay tinagurian na lamang ito nang nakararami bilang bagong “Hachiko” bilang pagbibigay-pugay na rin sa pinakatapat na aso sa buong mundo.





Tila hindi rin naman nagpatinag ang aso na ito sa pababago-bagong panahon na ikinabahala ng marami lalo na ang kalusugan ng aso. Ang iba naman ay mas minamabuti na lamang na mag-iwan ng tubig o pagkain sa tabi para sa kawawang hayop kasabay ng kanilang mga panalangin na sana ay makilala siya ng pamilya ng kanyang amo o kung hindi man ay may mabuting pusong umampon at kumalinga sa kanya bago pa man mahuli ang lahat.




error: Content is protected !!