Isang magandang tindera ng mani usap-usapan ngayon sa social media dahil sa nakakatuwang post ng isang netizen patungkol sa kanya!

Kadalasan tayong nakakakita ng mga tindero ng mani sa mga pampublikong lugar. Madalang na madalang at minsan nga ay hindi tayo nakakatiyempong makakita ng mga babaeng nagtitinda nito. Ngunit kamakailan lamang ay nagulat rin ang isang netizen na nagngangalang Dale Camus matapos niyang makita ang isang nakabibighaning babae na nagtitinda ng mani sa kalye!


Tinanong pa nga niya ito at sinigurado na hindi ito basta nagbabantay lamang ng mga tindang mani kundi siya mismo ang nagtitinda ng mga ito. Ibinahagi din niya na ang babaeng ito ay nagtitinda sa Salawag Dasmarinas sa Cavite malapit sa Technological University of the Philippines. Paglalahad pa nito, sadyang nahihiya raw ang nasabing tindera na kuhanan siya ng litrato kung kaya naman pabiro niyang sinabi na sa susunod na pumunta siya doon at bumili ay magdadala na siya ng sarili niyang tagakuha ng larawan.


Subalit sa kabila ng nakabibighaning ganda ng tindera ay ang nakakatuwang pagsasalarawan ni Dale dito. Ayon kay Dale, maaaring nababasa na ng kanyan nobya ang kanyang “post” at tiyak na mapapagalitan siya dahil sa ibang babae ang laman ng kanyang “post” ngunit sinigurado niya muna na ituro ang lokasyon ng tinderang kanyang hinahangaan.

Marahil ay dahil sa hindi hadlang ang pagiging isang magandang babae niya upang gawin ang trabaho na kadalasang nakikita sa mga kalalakihan kung kaya nakapukaw ng atensyon ang tinderang ito. Nakatutuwa rin namang malaman na hindi ikinahihiya ng dalaga ang kanyang marangal na trabaho sa maraming tao. Dahil ang mga tao sa ngayon ay kadalasang nakapokus lamang sa panglabas na kaanyuan ng isang tao at pulos panghuhusga na lamang at pangungutya ang lumalabas sa kanilang mga bibig.

Buti na lamang at mayroong mga taong katulad ni Dale na mas minabuting humanga, saluduhan, at tumulong sa kakaibang tindera na ito kaysa husgahan at maliitin ang bagay na hindi naman talaga nararapat kutyain. Maging aral sana ito hindi lamang sa mga kabataan ngunit sa lahat ng mga taong nagiging mapanghusga dahil sa ito ay kadalasang ginagawa ng maraming tao sa ating paligid.



error: Content is protected !!