Paghalik ng mga Air Asia Staff sa mga bagahe nakakuha ng iba’t-ibang mga reaksyon sa mga netizens!



Aminin man nila o hindi, ang hindi maayos na paghahawak ng mga bagahe ay ang madalas na inirereklamo at ikinaiinit ng ulo ng maraming mga pasahero. Bagamat maliit na oras lamang ang kinakailangan nila upang maihanda ang lahat ng mga bagahe na ito, hindi ito sapat na rason upang ibalibag at hindi maging maayos ang paghahawak nila sa mga bagaheng ito.


Kung ang ibang mga paliparan ay mayroon nang sapat at mas konbinyenteng paraan ng paghahawak o pagsasaayos ng mga bagaheng ito hindi rin naman lingid sa kaalaman ng nakararami na mayroon pa ring mga paliparan na may hindi magandang paraan ng paghahawak ng mga maleta at bagahe.




Kung kaya naman ang Air Asia founder na si Tan Sri Tony Fernandez ay mahigpit na ipinagbilin at walang sawang paalaala sa mga tauhan at empleyado niya na dapat nang solusyunan ang araw araw na reklamong kanyang natanggap patungkol sa maling paghahawak ng mga bagahe at maleta ng Air Asia.

Nakikiusap siyang mas paka-ingatan pa ng lahat ang mga bagahe ng mga pasahero dahil sa araw-araw na lamang siyang nakakatanggap ng mga “e-mail” patungkol sa mga bagaheng ito. Dagdag pa niya na huwag na raw nila itong ibalibag bagkus ay halikan na lamang nila ang mga bagahe at maletang ito.




Literal naman na sinunod at ginawa ng mga tauhan ng Air Asia ang kanyang sinabi kung kaya naman marami ang mga larawang kumakalat kung saan hinahalikan ng mga Air Asia staff ang mga bagahe. Pinuri naman ni Fernandes ang kaniyang mga tauhan sa ginawa ng mga ito.


Bagamat marami ang nagtataas ng kilay patungkol sa mga larawang kumakalat maaari rin namang ito na nga ang simula ng pagbabagong inaaasam ng maraming mga mamamayan dito sa ating bansa. Hindi na muli pang itatapon, pababayaan, o ibabalibag ang kanilang mga maleta at bagahe bagkus higit sa halik ay mas iingatan na nila ito ngayon.




error: Content is protected !!