Papuri ang natamo ng Philippine Airlines dahil sa pinahintulutan nila ang isang “support dog” na sumama sa isa sa kanilang mga pasahero!



Sa Pilipinas, hindi lahat ng mga tao at establisyemento ay alam ang pagkakaroon ng mga “service dogs” ng ilan sa mga taong may medikal na kondisyon. Bagamat mayroong iilang tao na may kaalaman patungkol sa mga bulag na mayroong “service dogs” mayroon din namang mga “service dogs” na nakababatid ng medikal na kondisyon ng isang tao ayon sa mga sintomas na ipinakikita nito, at ilan lamang dito ang mga aso na nagbibigay ng suportang emosyonal para sa mga taong nangangailangan nito.


Kamakailan lamang ay nag-post ng kanyang pasasalamat ang isang pasahero sa Philipinne Airlines (PAL) kung saan pinahintulutan nilang makasama ng lalaking ito ang kanyang “emotional support dog” sa kanyang pagbiyahe. Siya ay nakilala bilang si Franz Antazo Mijares Jr. matapos siyang magpost ng mga larawan nila ng kanyang aso habang sila ay nasa eroplano.




Nagulat ang maraming mga tao dahil sa akala nila ay isa sa mga kilalang tao o personalidad, o maaaring isang mayaman ang pasaherong kanilang pinaboran upang makapagdala ng alagang aso sa loob ng eroplano. Laking pagtataka ng marami dahil hindi naman ito kadalasang nangyayari sa ating bansa.


Bagamat marami ang kumunot ang noo sa mga larawang ito, isang paglilinaw lamang na ang aso na kasama ni Mijares sa eroplano ay ang kanyang “emotional support dog”. Dahil sa walang sapat na paliwanag patungkol sa aso na nakasakay sa eroplano, ilang netizens na ang nagkusang sumagot na ang mga hayop tulad ng aso na ito ay mayroong mga sapat na dokumento mula sa beterinaryo kasabay ng mga papeles mula sa Psychologist ng taong may dala nito at iba pang mga dokumentong nagpapatunay na ang asong ito ay kailangan ng taong kasama niya dahil sa siya ay isang “emotional support dog”.


Bago man ito sa ating paningin, tunay ngang mayroon din pa lang mga tao na nangangailangan ng mga kaagapay dahil sa kanilang medikal na kondisyon na marapat nating intindihin at unawain.





error: Content is protected !!