Nang dahil sa labis na paggamit ng cellphone, isang 4-taong gulang na bata muntik muntikan nang mabulag!



Sa panahon ngayon, sadyang mura na ang mga cellphones at gadgets kung kaya naman hindi na nakapagtatakang maging ang mga batang isang taong gulang pa lamang ay mayroon ng gamit na cellphone upang malibang habang ang kanilang mga magulang ay mayroon pang ginagawa o pinagkaka-abalahan. Bagamat nakakatulong itong mapatahimik ang mga bata sa ilang minuto o maging oras, may negatibong epekto ito sa kanilang kalusugan. Isa na marahil na halimbawa dito ang nangyari sa apat na taong gulang na anak na babae ni Dachar Nuysticker Chuayduang matapos ang operasyon nito sa kanyang mga mata.


Ayon sa ama, dalawang taon pa lamang ang anak ay hinahayaan na nila itong gumamit at manuod sa kanyang Ipad, hanggang ang ilang minuto ng panunuod ay naging ilang oras na at kalaunan ay naging wala nang humpay dahil sa nanunuod na lang ang kanilang anak hanggang sa gusto nito.




Napansin nilang mag-asawa na madalas na nagiging duling ang mga mata ng bata at nagkaroon din ito ng “lazy eye”. Kung saan dumedepende lamang ang isang mata na malusog sa mahinang mata dahil sa hindi na ito lubusqnh nabuo pa noong bata siya. Bagamat ganito na ang kalagayan ng kanilang anak ay nagpatuloy pa rin ito sa paggamit ng kanyang mga gadgets hanggang sa dumating sa punti na minabuti na nilang ipakonsulta ang anak sa espesyalista.


Sa edad na 4 na taong gulang ay sumailalim ang kanilang anak sa surgery upang maisaayos ang mga mata nito. Mabuti na lamang at naagapan ang mga mata ng kanilang anak dahil sa malapit na itong mabulag!



Hangarin ng ama na maipabatid ito sa maraming mga magulang upang mas masubaybayan nila ang kanilang mga anak at maiwasan ang ganitong uri ng problema. Marami mang magandang naidudulot ang teknolohiya ang labis at hindi tamang paggamit nito ay talaga namang magdudulot ng hindi magandang resulta sa mga bata at maging sa mga nakatatanda.




error: Content is protected !!