Napakahusay ng dentistry student na ito dahil sa nag-viral niyang video habang kumakanta!



Tunay ngang maraming mga Pilipino ang mahuhusay sa kanilang larangan at nagtataglay ng katangi-tanging talento. Maaaring ang iba ay hindi sikat na artista o personalidad ngunit talaga namang may ibubuga at may talento na kahanga-hanga. Napakalaking tulong ng social media kung paanong ang mga talentong ito ay nakikilala hindi lamang sa ating bansa ngunit sa buong mundo na rin. Ang ilan nga ay nakapasok at nagkaroon na rin ng kani-kaniyang pwesto sa industriya ng show business.



At kamakailan lamang ay mayroon na namang mahusay na Pilipina na nakikilala sa husay at galing nitong taglay. Isang dentistry student si Rhea Basco na mula sa Centro Escolar University ang naging usap-usapan sa social media dahil sa kakaibang pag-awit nito. Saksi ang kanyang mga kaibigan at kamag-aral habang wala silang klase ay kumanta siya ng awitin ni Morissette Amon na pinamagatang “Akin Ka Na Lang” na kilala sa pagkakaroon ng maraming matataas na nota.


Bagamat tila “bored” lamang ang dalaga sa pag-awit nito hindi maipagkakaila na sadyang napakahusay niyang kumanta at dahil dito ay napukaw niya ang atensyon ng mga netizens na naging dahilan upang magkaroon ng 360 libong views agad ang video sa loob lamang ng isang linggo. Lubos naman ang pasasalamat ng 4th year dentistry student sa kanyang mga kaklase sa walang sawang suporta ng mga ito.

Inilahad din niya sa isang panayam na madalas siyang laman ng mga singing competition at isa rin siya sa mga naghahangad na makapasok sa industriya ng pagkanta. Malay natin, magulat na lang tayo sa mga susunod na araw ay makita at mapanuod na natin siya telebisyon.


Tunay ngang talentado ang mga Pinoy, saan mang larangan ay tiyak na di ka mabibigong mayroong isang Pinoy na umaangat. Hindi lamang sila nagiging inspirasyon sa nakararaming kabataan at nakatatanda, higit sa lahat, nagiging simbolo sila ng ating bayan at ng bawat Pilipino. Talaga namang nakaka-proud maging isang Pilipino!