Anim Na Kaalaman Tungkol Sa Miss Universe 2018 na si Catriona Gray



Ang ating pambato na si Catriona Gray sa Miss Universe 2018, ay talagang hindi tayo binigo. Umpisa pa lamang ng patimpalak ay mapapansin na llamadong-llamado na ang ating pambato. Sa taglay na mga katangian ni Catriona Gray at sa magandang itsura, katawan, talino, lubos na hinangaan siya hindi lamang sa ating bansa, pati na rin sa ibang bansa.

Isang karangalan para sa ating bansa ang pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018. Kaya naman marami sa atin ay inaalam kung sino nga ba talaga si Catriona.



Ito ang ilan sa mga kaalaman patungkol kay Catriona Gray:

1. Ang ama ni Catriona ay Scottish, at ang kanyang ina ay Pinay.



Maraming nakaka-pansin sa kanyang pananalita o accent. Ito ay dahil ipananganak siya sa Australia. Ang 24 taong gulang na si Catriona ay may ama na isang Scottish at ang kanyang ina naman ay Pinay. Isa rin siyang TV-Host, Singer, Model, Stage actress. Ibinahagi rin niya na sobra ang pagiging malapit niya sa kanyang magulang lalong lalo na sa kanyang ama. Isa sa mga natutunan niya sa kanyang ama ay ang kasabihang “the longest journey starts with a single step”

2. Siya ay tumanggap ng degree ng Music Theory sa Berklee College of Music sa Boston, Massachusetts.



Tinanong ni Steve Harvey, host ng Miss Universe 2018, si Catriona Gray kung anong kanta ang pwede niyang isulat na ang mensahe ay ang naging experience niya sa pageant.

Ito ang sagot ni Catriona Gray:



“As Miss Philippines, I’ve always felt the love and support of the Filipino people, and I think I brought half of my country here tonight,” she responded. “I would name the song ‘Raise Your Flag’ because I stand here not as one but as 104 million Filipinos!”

3. Si Catriona Gray na Miss Universe 2018 ay may signature move.


Maraming Audience at Netizens ang nabilib at namangha sa ginawang galaw ni Catriona sa swimsuit portion ng preliminary. Tinawag itong “slow-mo twirl”. Ginawa niya rin ito noong coronation night.

4. Isa sa mga hangarin ni Catriona Gray ay ang tulungan at mawala ang kahirapan ng bansang Pilipinas.



Hindi lamang maganda ang kanyang pisikal na anyo, pati rin ang kanyang kalooban. Siya ay may sariling proyekto na tumutulong na makalikom ng pera upang tumulong sa mahihirap lalong lalo na sa mga kabataan. Tinawag ang proyektong ito na “Paraiso: The Bright Beginnings Project”.

5. Mahilig mag-travel si Catriona sa ibang bansa

Isa sa mga hilig ni Catriona ang pag-travel sa ibang mga bansa. Mayroon siyang blog ang Cat’elle na kung saan dito niya nilalagay ang mga napuntahan niyang bansa katulad ng China, United States, at Vietnam. Nasabi niya rin sa ibang interviews na pinupuntahan niya ang Thailand (ang host ng Miss Universe 2018) dahil gusto niya ang kultura at pagkain ng bansa.

6. Si Catriona Gray ang pang-apat na nanalo sa Miss Universe na Pilipino

Ang pinaka-unang nanalo ng Miss Universe ay si Gloria Diaz noong taong 1969, pangalawa naman si Margarita Moran noong 1973, pangatlo naman si Pia Wurtzbach noong is 2015, at pang apat si Catriona Gray bilang Miss Universe 2018. Kung mapapansin naman ay madalas na napapasok ang ating bansa sa mga top pero ngayon ay pinatunayan ulit ng Pilipinas na kaya pang dagdagan ang mga panalo sa Miss Universe.




error: Content is protected !!