Isang 109 taong gulang na babae ang nagbahagi ng kanyang sekreto ng pagpapahaba ng buhay, ang gagawin lang ay iwasan ang mga lalaki



Sa panahon ngayon, napaka-bilis talaga ng pagbabago. At ang mga pagbabago na ito katulad ng teknolohiya at mga kinakain ay nakaka-apekto na rin sa ating kalusugan. Isama pa ang polusyon sa paligid na dumarami. Ang mga bagay na ito ay minsan nagiging sanhi sa pag-ikli ng buhay ng ibang tao. Pero ang pagbabago ay hindi na mapipigilan. Ang kailangan natin ay disiplina at umiwas sa mga bagay na magdudulot na hindi maganda sa ating kalusugan.



Sabi nila ang paraan para humaba ang buhay ng tao ay sa pamamagitan ng ehersisyo, balanced diet, at healthy lifestyle. Pero may nakaka-bilib na kwento ng isang 109 years old na babae, kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang siketo. Ang susi niya upang marating ang edad na 109 ay sa pamamagitan ng pagiwas sa mga lalaki.

Siya si Jessie Gallan na ipinanganak sa Kintore, Scotland noong taong 1906. Sa murang edad lamang ay nagtatrabaho na siya bilang isang milkmaid. Nagtrabaho din siya sa jsang hotel kung saan ay nakita niga si Queen Elizabeth. Si Jessie Gallan ay naging single hanggang siya ay tumanda. Siya ay isang mabuting tao bago pa man siya napunta sa mga lugar ng matatanda na isang residential care home para sa mga senior citezens na ang tawag ay Crosby House.



Ayon sa isang trabhador ng Crosby House:
“Jessie is a lovely woman. She has got her best friend here, Sarah Jane, and they are always together. She likes her music and likes her exercise class and is a very independent person. She is always walking about.”


Dahil sa pagiging masayahin niya, nang siya ay tinanong kung anong naging sekreto niya sa pagkakaroon ng ganitong edad, ito ang sinagot niya:

“My secret to a long life has been staying away from men. They’re just more trouble than they’re worth.” Ang naging mensahe ni Jessie Gallan ay hindi nangangahulugang masama ang lalaki. Bagkus, iwasan dapat ang mga negatibong bagay na maaaring magdulot ng stress. Idinagdag pa niya na healthy lifestyle, exercise, at iwasan ang hindi magagandang pagkain ang naging susi niya sa mahabang buhay.

Ang centenarian na si Jessie Gallan ay umabot ng 109 years old at naging yumao na noong taong 2015.




error: Content is protected !!