Isang malikhaing babae ang gumawa ng kanyang bridal gown gamit ang mga papel!



Magkano na nga ang isang trahe de boda, damit pangkasal, o bridal gown ngayon? Marahil ay nasa 5,000 hanggang 50,000 piso o kung minsan naman ay umaabot hanggang isang milyon! Depende kung may mga bato o kristal pa sa kabuuan nito.


Bagamat maaari namang umupa ng bridal gown sa mga bridal shops, bakit ka pa uupa kung maaari ka namang gumawa o bumuo depende sa iyong nais. Isa na rito ang malikhaing babae ito sa Quezon City kung saan siya ay tunay ngang umangat dahil sa ganda ng kanyang kasuotan sa Kasalang Bayan.




Siya ay kinilala bilang si Maricel Capinig Abaño na mula sa Batuan Masbate ayon na rin sa mga detalyeng nakalagay sa kanyang social media account. Siya ay ikinasal kay Ronald Lucena Mata at sila ay naninirahan na sa Quezon City.


Labis na humanga sa kanya ang maraming netizens sa angkin nitong pagkamalikhain at sa pagkakagawa niya ng napakagandang damit pangkasal mula sa papel. Pinaresan pa niya ito ng aakalain mong “Royal Hat” sa mga “Royal Wedding” at siyempre gawa rin ito sa papel. Hindi makukumpleto ang lahat kung walang “bouquet of flowers” kung kaya naman mayroon din siyang makukulay na bulaklak gawa sa makukulay at tinuping mga papel.



Mapapansin rin sa kanyang social media account ang iba pang larawan ng kanyang husay at pagiging malikhain pagdating sa pagtutupi ng mga papel! Tunay ngang lubos na kahanga-hanga ang ganitong uri ng talento. Marami ang nahikayat na mas makabubuti na maging matipid at maingat sa perang pinaghihirapan ng lubos at pinagtatrabahuhan. Gayundin naman, hindi matutumbasan ng anumang halaga o salapi ang kagalakan ng dalawang taong nagmamahalan na ngayon ay magpapakasal na sa wakas!




error: Content is protected !!