Nakakamangha ang isang babae na hindi nagpa-edit ng taba o ng katawan para lamang maitago ang mga ito sa kanyang mga larawan



Sa panahon ngayon hindi na mahirap ang maging maganda sa mga litrato. Hindi lamang dahil sa makabagong teknolohiya kung hindi maging sa mga makabagong cellphones, mga “apps” at mga “softwares” na din. Ngunit ang isang Pinay na ito ay naging usap-usapan sa social media dahil sa lakas ng loob at sa natatanging pagmamahal niya sa kanyang sarili na hindi niya inalintana anuman ang sabihin o maging opinyon ng mga tao sa kanyang mga larawan na nagpapakita ng totoong katauhan niya.


Si Martina Gozun ay nagbahagi ng mga larawan niya sa kanyang personal na social media account kung saan ito ay may caption na hindi niya hinayaang i-edit ng kanyang photographer ang kanyang mga taba o “bulging tummy”. Idinagdag din niya na mas mahal niya ang kanyang sarili ngayon at ayaw na niyang bumalik pa sa dating mentalidad na kailangang magkaroon ng “flat tummy” o sexy at kaaya-ayang pangangatawan. Hindi raw maganda sa kanya ang ganoong kalagayan at maaaring sa atin rin. Masaya siyang nalagpasan na niya ang maisalimuot niyang nakaraan.




Gaya ng inaasahan maraming netizens ang yumakap at sumang-ayon sa kanyang mga sinabi. Dagdag pa niya kalimitan daw tayong hinihusgahan ng marami nang dahil lamang sa ating mga “imperfections” o “flaws”. Pagmamalaki pa niyang sabi na alam niya ang lahat ng mga ito sa kanyang sarili at tanggap niya ang mga ito dahil ito ang totoo siya. Kamakailan lang din lamang nang gumamit siya ng mga “caption” patungkol sa kanyang mga “imperfections” upang hindi na ang ibang tao pa ang magsabi nito sa kanya. Mas mainam raw na manggaling ito sa kanya kaysa sa ipagkalat pa ng ibang tao.


Ayon rin kay Gozun, mayroon siyang maraming tigyawat dati kung kaya naman ay palagian siyang pumupunta sa mga espesyalista upang matanggal ang mga ito. Ibinahagi niya rin ang pangarap niyang maging isang modelo kung kaya naman siya ay sumailalim sa maraming mahihigpit na dyeta, pagpapalipas ng pagkain upang makamtan lamang ang 24-inches waistline na talaga namang pinapangarap ng marami. Ngunit kalaunan ay napag-isip-isip niyang pinahihirapan lamang niya ang kanyang sarili.



Isang napakalaking paghamon at paggising sa katotohanan ang ipinamulat sa atin ng Pinay na ito. Tunay nang walang makahihigit pa sa pagmamahal mo sa iyong sarili. Anuman ang mangyari, tanging sarili mo lamang ang tatanggap sa iyo ng buong puso at dahil dito ay magkakaroon ka ng mas masaya at mas maayos na buhay.




error: Content is protected !!