Sila ang 5 Billionaryong Hindi gumagamit ng sobrang mahal na mga sasakyan



Isipin mo na lang na kaya mo ng mabili ang lahat ng bagay sa mundo. Kaya mong bumili ng kahit anong naisin mo dahil sa dami ng pera mo. Sa tingin mo ba ay bibili at gagamit ka ng mga murang mga gamit lang? Titipirin mo pa rin ba ang sarili mo, kahit na sa tingin mo ay hindi naman mauubos ang yaman mo?

Maniwala ka man o hindi, mayroong mga mayayamang tao na makikita at mapapansin mong simple at hindi magarbong mga kagamitan ang mga binibili nila. Nakakataka kung bakit pero may mga tao talagang mas gusto nila ang buhay na hindi sobrang magarbo.



Ito ang Ilan sa mga Billionaryong personalidad na nagmamaneho ng mga sasakyan na hindi luxury cars:

1. Alice Walton



Nagkakahalaga ng umabot sa $45 billion ang taglay na yaman ni Alice Walton. Ang co-heir ng Wal-Mart ay nagmamaneho ng 2096 Ford F-150 King Ranch. Kahit na kayang kaya niyang bumili ng mas mahal pang sasakyan mas pinili niya ang Ford dahil may sentimental value sa kanya ito. Ayon sa isang article sa GoalCast, ang kanyang ama ay nagmamaneho ng 1979 Ford F-150.

2. Mark Zuckerberg



Sino pa ba ang hindi nakaka-kilala kay Mark Zuckerberg na isa sa mga founder at CEO ng Facebook. Hindi lamang siya nakilala sa pagiging mayaman, nakilala din siya sa pagsuot palagi ng gray shirts. Sa pagpili naman ng sasakyan, hindi na niya pinahirapan ang kanyang sarili, siya ay nagmamay-ari ng Acura TSX na nagkakahalaga ng $30,000. Ito ang sinabi niya sa pagpili ng ganitong sasakyan: “safe, comfortable and not ostentatious.”

3. Steve Ballmer




Kilala si Steve Ballmer ng mga mahilig sa NBA. Siya kasi ang nagmamay-ari ng Los Angeles Clippers. Sa taglay na yaman niya, ang minamaneho na sasakyan ay isang 2010 Ford Fusion Hybrid na may halagang $28,000. Katulad ng kay Alice Walton, pinili niya ang Ford dahil ang kanyang ama ay isang manager dati ng Ford Motor Company. Ito ang naging dahilan niya para magmaneho lamang ng Ford na sasakyan.

4. Ingvar Kamprad


Si Ingvar Kamprad ay ang founder ng IKEA. Nagsusuot lamang siya ng mga damit na nabibili sa mga flea market. Ang mayamang ito ay nagmamaneho ng 1993 Volvo 240 GL na nagagamit niya ng 20 na taon. Naisipan niya lamang palitan noong sinabihan siya na kailangan niya ng mas ligtas na sasakyan.

5. Warren Buffett




Ang kilalang mayaman na si Warren Buffet ay may paguugali na mag almusal palagi sa McDonald’s at palaging same order ang kanyang binibili.
Sa paguugali na ito pati sa kotse ganito rin ang nakagawian niya. Ang kotse niya ay isang 2006 Cadillac DTS na ginagamit niya ng sampung taon. Nakumbinsi lamang siya ng kanyang anak na babae na bumili ng bago at ang binili niya ay isang $45,000 Cadillac XTS. Kumbaga Cadillac pa rin ang choice niya.
Ayon sa isang Forbes interview:
“I only drive about 3,500 miles a year so I will buy a new car very infrequently,”




error: Content is protected !!