6 Na Pamamaraan Upang Ang Pag-hilik sa pagtulog ay maiwasan o mawala



Marami sa atin ay naririndi kapag may katabi tayong malakas himilik. Minsan pa nga ay hindi tayo makatulog sa sobrang lakas ng ingay na naririnig. Kaya naman kung may kakilala ka na tao na gusto mong mawala ang kanilang paghihilik, o kaya naman kayo mismo ay malakas humilik, baka makatulong ang ilang mga paraan na ito upang mawala ang paghihilik sa inyong pagtulog.

Ang paghilik o snorring ay isang sleeping disorder kung saan nababarahan ang pagdaloy ng hangin sa inyong pagtulog na naglilikha ng vibration. Ang sobrang lakas na paghilik ay nangangailangan ng agarang medikal na solusyon. Kaya huwag ipasawalang bahala ang paghilik. Dapat agapan upang hindi magdulot ng malubhang karamdaman.



Ito ang ilan sa mga solusyon para mawala o maiwasan ang paghilik:

1. Itaas o I-elevate ang iyong unan


Kinakailangan ay naka-angat ng bahagya ang ulo upang maayos ang daloy ng hangin na pumapasok. Gumamit ng unan na makapal o kaya naman ay doblehin. Magdudulot ito ng ginahawa at mas maayos na paghinga para hindi humarang ang dila sa lalamunan.


2. Matulog sa iyong tagiliran o side


Ang isang mainam na paraan upang maayos ang pressure sa iyong lalamunan ay ang matulog sa iyong tagiliran. Kapag natulog kasi ng gamit ang iyong likod nagdudulot ito ng pressure sa lalamunan na nagiging sanhi ng paghilik



3. Gumamit ng peppermint oil


Ang peppermint oil ay isang mabisang gamit para mawala ang pamamaga sa lalamunan at sa ilong. Isa kasi itong anti-inflammatory na mabisa din upang mapaluwag ang paghinga.

Maglagay lamang ng konting peppermint oil sa ibaba ng ilong upang ito ay maamoy.

4. Steam Inhalation




Karaniwan na nagiging sanhi ng paghilik ay pagkakaroon ng baradong paghinga sa ilong. Isang lunas dito ay ang pag-inhale ng steam upang maginhawaan ang pakiramdam.

Ang dapat gawin ay maglagay ng bagong kulo na tubig sa isang container na kasya ang mukha. Maglagay ng eucalyptus oil, gumamit ng malinis na tuwalya at ikulob ang sarili sa steam. Mag inhale at exhale sa loob upang pumasok sa loob ng ilong ang steam. Sa pamamagitan nito ay magiging maayos ang iyong pagtulog.

5. Honey


Mayroon ding taglay na anti-inflammatory properties ang honey. Nagagawa nitong pagaanin ang pakiramdam ng lalamunan. Dinidisolve kasi nito ang mga nakabara sa lalamunan. Ito ang pumipigil upang mawala ang vibrations sa lalamunan. Uminom lang ng isang kutsarang honey bago matulog. O kaya naman ay ihalo ito sa mainit o maligamgam na gatas.

6. Magbawas ng timbang


Ang katabaan o kaya naman ay pagkakaroon ng sobrang timbang ay nakaka-apekto rin sa paghilik. Ang sobrang taba sa leeg ang nagdudulot ng pagbara ng hangin.




error: Content is protected !!