Kilalanin ang maswerteng lalaki sa buhay ni Miss Universe 2018 Catriona Gray!



Ang 24-taong gulang na binibini na kumatawan sa bawat Pilipino noong nakaraang Miss Universe 2018 pageant na ginanap noong ika-17 ng Disyembre taong kasalukuyan ay walang iba kung hindi si Catriona Gray. Naging laganap ang video ng kanyang pamatay na “slow-mo twirl” at napukaw pa nga ang atensyon ng ilan sa mga sikat at kilalang personalidad sa ibang bansa katulad na lamang ni Tyra Banks.


Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng nakararami na ang ating bansa ay suki sa mga “beauty pageants” saan mang panig ng mundo at talaga namang naghahakot ng iba’t-ibang mga titulo at parangal. Kung ikaw ay isang masugid na tagahanga ng mga ganitong uri ng patimpalak, maaaring sariwa pa sa iyong alaala ang paglaban ni Catriona bilang kinatawan ng Pilipinas noong 2016 sa Miss World kung saan siya ay umabot sa Top 5. Siya ay kilala rin sa kanyang mga adbokasiya, sa pagiging isang television host, ,odelo at mang-aawit.




Sa isang katulad niyang babae na talaga namang sobrang abala sa maraming bagay at respnsibilidad hindi magiging madali ang lahat kung hindi dahil sa mga taong sumusuporta sa kanya, sa kanyang pamilya at sa kanyang “longtime boyfriend” na si Clint Bondad na talaga namang sumuporta sa kanya sa simula pa lamang.


Sa katunayan, ang kanyang nobyo rin ang isa sa naging masugid niyang taga-suporta noong sumabak siya sa Miss World kung kaya naman labis labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang minamahal. Nabanggit rin ng dalaga sa isa sa kanyang mga panayam na sa higit anim na taon nilang pagiging mag-nobyo ay hindi matatawaran ang suporta at pagmamahal ng binata sa kanya. Ito ay ilan lamang sa mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki.



Dating miyembro ng “The Coverboys”ng ASAP si Clint Bondad na isa ring Filipino-German actor-model. Bagamat parehong abala ang magkasintahan sa dami ng kanilang mga ginagawa hindi pa rin sila nakakalimot sa kanilang mga pagkakawang-gawa tulad na lamang ng asa “Yung Focus Gratitude” na isang komunidad sa Tondo, Manila. Malimit rin ang pagbisita ng dalawa sa iba’t-ibang magagandang pasyalan sa buong mundo. At kahit pa matagal na ang kanilang relasyon hindi pa rin nakakalimot ang 33-taong gulang nobyo ni Catriona na ihatid siya sa airport kung siya ay aalis.


Sa ngayon, walang pagsidlan ang kagalakan ng maraming Pilipino dahil sa muli na naman nating naiuwi ang korona sa ika-apat na pagkakataon.





error: Content is protected !!