Three Stars and A Sun ear cuff ni Miss Universe 2018 Catriona Gray naging usap-usapan sa social media



Maraming Pilipino ang nakapansin sa suot na “Three Stars and A Sun” ear cuff ni Miss Universe 2018 Catriona Gray naihalintulad rin nito sa suot niyang hikaw noong siya ay nanalo sa Binibining Pilipinas. Ngunit ito ay ibang bersyon ng nasabing hikaw.


Ang 24-anyos na Filipino-Australian na binibini ay muli na namang pinamangha ang marami sa kanyang sariling disenyong ear cuff na mas pinaganda at pinalutang pa ng kanyang “side-swept hairstyle”. Hinangaan din ang modelo at singer na ito dahil sa kanyang pagtangkilik sa mga lokal na produktong Pilipino na ipinamalas niya sa buong mundo.




Matapos niyang mapanalunan ang korona ng Miss Universe ay nag-post ang Tessera Jewelry patungkol sa nasabing hikaw ni Catriona Gray na isinuot niya sa gabi ng koronasyo. Ayon pa sa kanilang post, gawa ito sa ginto at mayroon pang mga diamante, ruby, at golden south sea pearls. Tinawag din itong “Alab at Dangal” na ginamit ang bandila ng Pilipinas bilang inspirasyon na talaga namang nagbibigay dangal sa bawat Pilipino. Ayon sa may-ari ng local jeweler na ito, na si Carl Deo Fider, isa si Catriona sa bumuo ng konsepto nito kasama rin ang kanyang stylist na si Ton Lao.


Pagpapaliwag pa ni Fider ang ideya ay upang makalikha ng pinakaposibleng representasyong ng ating bansa. Lumapit sila sa grupo nina Fider upang maisakatuparan ang kanilang plano na inabot ng higit sa isang buwan bago matapos. Nabanngit din niyang 18k na ginto ang nasabing hikaw ni Catriona. Maraming nagtatanong ng presyo ng nasabing hikaw kung kaya naman naglabas rin ng katulad na ear cuff ang nasabing local jeweler na nagkakahalaga ng P9,900.



Sinasabing ang ear cuff din na ito ang nagsilbing “lucky charm” ng dalaga sa ginanap na Miss Universe 2018, ang ika-67 Miss Universe pageant na ginanap sa Thailand noong ikaw-17 ng Disyembre taong kasalukuyan.




error: Content is protected !!