Ang Magandang Kasal Ni Iza Calzado kay Ben Wintle, Maganda din pala ang Love Story!



Sa pag-ibig, ang pagkakaroon ng “Happy Ending” ay ang pinapangarap ng maraming tao. Pero sa pakikipag-isang dibdib ng dalawang tao o pagpapakasal, hindi dito ang “ending” bagkus ito ang simula ng bagong yugto ng buhay. Ang pagpapakasal ay isang pagsusumpa sa harap ng Diyos o sa batas na may mga saksi na ibang tao. Ito rin ang pagpapangako na mamahalin nila ang isa’t isa hanggang sa pagtanda sa hirap man o sa ginhawa.



Karaniwan ay nakikita o nababalitaan natin ang mga magagarang mga kasal sa ilang mga sikat na personalidad. Katulad na lang ng kasal nila Iza Calzado at Ben Wintle. Ang kasal nila ay ginanap nitong buwan ng Disyembre 2018 na ginanap sa Palawan. Saksi ang mga pamilya at mga kaibigan, ito ay isang magandang pagdaraos ng pagiisang dibdib ng dalawang nag-iibigan.


Naging romantiko at maganda ang naging kasal nilang dalawa. Pero mas maganda pala ang naging istorya ng kanilang pagmamahalan. Naging host ng isang kasalan si Iza Calzado kung saan ay nandoon din si Ben Wintle. Dahil nabighani si Ben Wintle sa taglay na kagandahan ni Iza, tinanong niya ito sa kaibigan nilang parehas na si Izabelle Daza. Nang nagkakilala silang dalawa, hindi maitatanggi ni Iza Calzado na nagustuhan niya rin si Ben Wintle.


Ayon kay Iza Calzado:
“Sabi niya, ‘Iza, Ben. Ben, Iza. Single, single, Ako talaga, ‘Oh my god, nakita yata ako ng lalaki, nakatingin ako, kaya siguro lumapit. Iyon pala, hindi. Before pa, he was asking about me na, kaya lumapit,” Sa mismong araw din na iyon ay sinubukang i-search ni Ben Wintle ang nagustuhan niyang si Iza Calzado sa facebook.

Ito pa ang sinabi ni Iza Calzado:
“He was acting na parang not so interested in me kunyari,Sabi ko sa kanya no’n, ‘Really? Why don’t I just give you my number now?’ Ayoko ng paligoy-ligoy pa! Ito na, e! Bakit mo pa papahirapan?”



At pagkatapos ng dalawang buwan na ligawan ay sinagot na ni Iza Calzado si Ben Wintle. Naging enggage sila noong Oktubre ng taong 2017, at nagsama ng anim na taon. At sa wakas, ang pangyayaring ito ay magtitibay pa ng kanilang pagmamahalan.




error: Content is protected !!