Ito pala ang mga dating commercial ni Miss Universe 2018 Catriona Gray! Ating silipin.



Hindi maipagkakailang si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang isa sa mga maiingay na pangalan na naririnig at lumalabas sa mga balita sa radyo o telebisyon, maging sa mga pahayagan at magazine, at higit lalo sa social media. Kung sa ilang Pilipino ay bagong mukha ang ating bagong reyna, marahil ang iba ay pamilyar sa mala-anghel niyang mukha dahil sa ilang mga commercial nito noon.

Kamakailan lamang ay mayroong isang netizen na nagpost ng mga pinagsama-samang commercial ni Catriona para makita ng buong mundo at sa loob lamang ng 17 oras ay umabot na ito ng 77 libong shares, 65 libong likes at reactions. Ayon sa video ni Richmond Tyndall naging parte si Catriona ng commercial ng Century Tuna kung saan siya ay lumabas sa loob lamang ng ilang segundo. Sina Derek Ramsay at Angel Locsin ang tampok sa commercial na ito.



Ang ikalawang commercial naman niya ay ang Myra Vita White hand and body lotion kung saan hindi man kita ang buong mukha niya ay maaaninag mo pa rin ang natatangi niyang ganda. Si. Xian Lim naman ang voice over sa commercial na ito.


Granny Goose’s Tortillos naman ang ikatlo niyang commercial kung saan tampok ang kanyang karakter bilang isang confident girl na naglalahad sa lahat na siya ay isang uri ng babaeng anything but ordinary.


Ika-apat naman sa listahan ang Smart Broadband kung saan tampok siya bilang isang dalaga sa isang long distance lovestory. Tampok rin siya sa Nescafe ad bilang isang punk girl na may kakaibang panlasa sa “extreme coffee”.



Ika-anim naman ang Pantene conditioner commercial kung saan siya ay nasa harap ng isang static generator.

Habang pang-pito naman ang kanyang commercial sa isa pang produkto sa buhok na Palmolive shampoo. Sa commercial niyang ito ay babaeng babae siya at nakasuot ng pink. Ika-walo naman ang Sprite commercial kung saan kasama niya si Kit Thompson at iba pang tatlong modelo. Ang kwento nito ay tungkol sa apat na lalaking nag-aagawan sa kanyang atensyon.






error: Content is protected !!