Umani ng maraming komento sa social media ang mga larawan ng isang Indonesian at English girl matapos ang kanilang kasal



Ang pag-ibig ay sadyang mahirap mahanap kahit pa sa sarili mong bayan kung kaya naman mapalad ang magkasintahang ito dahil sa kabila ng kanilang distansya at maraming kaibahan ay nakuha nilang mapagtagumpayan ang mga pagsubok at sila ay nagpakasal.


Naging maingay sa social media ang kasal ng 26-taong gulang na lalaki mula sa Magelang, Indonesia sa isang 21-taong gulang na dalaga na mula sa Manchester, England. Ang lalaki ay nakilalang si Karna Radheya samantalang nakilala naman bilang Polly Alexandria Robinson ang dalaga. Bagamat magkalayo ang dalawa, napanatili nila ang pagmamahalan sa kabila ng distansya. Ikinasal sila sa isang simpleng seremonya bilang mga Muslim.




Ayon pa sa ilang mga ulat, pag-ibig sa unang pagkikita ang nangyari sa dalawa kung saan ito ay naganap sa Bali noong Agosto ng 2017 habang nasa trabaho si Karna. Sinasabing mayroon siyang isang restawran doon na pinangalanang Luku Kitchen at isa rin siyang certified surf instructor.


Matapos ang isang taon at kalahati nilang relasyon ay napagdesisyunan nilang magpakasal na. Anim na buwan rin bago ang kanilang kasal ay nagpa-convert ng Islam si Polly. Ikinasal sila sa lugar na kinalakhan ni Karna noong ika-16 ng Disyembre. Bagamat hindi nakarating ang pamilya ni Polly, sinasabing nagbigay din naman ng basbas ang mga ito.



Hindi makapaniwala si Karna na magkakaroon siya ng dayuhang asawa ngunit dahil Diyos na raw ang nagpahintulutan nito lubos siyang nagpapasalamat para dito. Ayon pa sa kanya hindi niya inaasahang magiging viral at maraming makakaalam ng kwento ng kanilang pag-ibig. Kaugnay nito ay dalangin niyang maging inspirasyon sila sa marami pang taong nag-iibigan at nagmamahalan.




error: Content is protected !!