11 na dahilan kung bakit nagtataksil ang isang asawa

Sa isang mag-asawa, mahalaga ang pagiging tapat at may tiwala sa bawat isa. Kinakailangan ay panatilihing nag-aalab ang apoy ng pagmamahalan upang tuparin ang pinangakong pagmamahalan sa bawat isa. Ngunit bakit mayroon paring nagagawang magtaksil sa kanilang asawa?

Ngayong panahon, nararami na ang bilang ng mga taong sumasa-kabilang bahay. Hindi lamang mga mayayaman at mga sikat na tao, pati na rin ang mga simpleng mamamayan lang. Karaniwan ay ang lalaki ang madalas magtaksil sa kanilang asawa. Minsan ay nagmumula ito sa mga tuksuhan, pagiging malapit sa ibang tao, at impluwensya na rin ng mga negatibong taong nakapaligid.

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagtataksil ang ilang mga mister sa kanilang asawa:

1. Psychological And Emotional Need


Kadalasan ay ang pamantayan o hinahanap ng isang babae ay pagkakaroon ng mga katangian ng kanilang ama. Gusto kasi nilang maramdaman na parati silang ligtas. Katulad ng mga babae, ang lalaki din ay naghahanap ng pagkalinga katulad ng kanilang ina. Kaya kung hindi naibibigay ng isang misis ang pagmamahal at pagkalinga ng isang asawa, maaaring ito ang maging dahilan ng pagtataksil.

2. Emotional Satisfaction


Kinakailangan ng isang lalaki ang respeto at pangunawa ng isang kapareha. Kung puro sermon lang ang inaabot ng mister imbis na magaganda at positibo ang sinsabi, ito ang magiging dahilan ng pagka-tabang ng pagmamahal na nagiging sanhin ng paghahanap ng iba.

3. Just for Fun


May ilan sa mga mister ay napagkakatuwaan lamang ang pangangaliwa. Ang malala lang ay kapag nahulog na ng lubusan ang mister sa kanyang kabit. Minsan ay nagiging sanhi nito ay ang mga impluwensya ng mga negatibong mga kaibigan.

4. When The Other Lady Is Open to Love


Kadalasan ay ang mga taong nakapaligid kay mister, katulad na lang ng mga katrabaho o kaya naman mga kaibigan. Kapag naramdaman ni mister na kaya niyang makuha ang isang babae, ito ang nagiging kahinaan niya. Pero hindi naman mangyayari ang pagtataksil kung hindi naman nagbigay motibo ang babae.

5. Enjoyable Intimacy


Sa isang pagaaral, nagiging mahilig ang isang babae sa kanilang pagtanda. Kapag ang pagiging mapusok ng isang babae ay dumating sa may asawang lalaki at dahil na rin sa kahinaan ni mister, nagiging dahilan ito upang pagtaksilan ang kanilang mga asawa. Nagagawa nila ito dahil naliligayahan sila sa isa’t isa.

6. Financial Rewards


Kadalasan ay ito ang matinding dahilan ng pangangaliwa. Kapag nakitaan ng pakinabang ay talagang nahuhulog ang isang babae sa isang may asawa na. Karaniwan na dahilan ay pera o kaya naman sa trabaho.

7. Strike A Better Chord


Kapag naka-kilala ang isang mister ng isang babae na nasakanya na lahat ng hinahanap niya na hindi naibibigay ng kanyang asawa, nagiging dahilan ito upang mabaling ang atensyon niya sa taong iyon. Ang walang magandang paguusap ng magaswa ay nagdudulot ng ganitong pagkakataon. Kaya maiisip na lang ni mister na humanap ng ibang magpapasaya sa kanya.

8. She’s Everything Which His Wife Is Not


Ang ibang mister naman, dahil naka-kita sila ng babaeng nasakanya na lahat ng pinangarap mong itsura, ugali, at estado ng buhay na wala sa kanyang asawa. Nagiging sanhi ito sa pangangaliwa.

9. To Climb Up The Social Ladder And Career Ambitions


May mga pagkakataon na nakakatagpo ang mga mister ng isang babae na pwedeng tumulong sa kanilang pag-angat sa kanilang career. Ang problema lang ay habang sa pagtagal ay nahuhulog na ang mister at nagiging dahilan ng pagtataksil.

10. Revenge


Minsan ay may mga mag-asawa na palagi na lang nagaaway. Dahil sa walang tiwala ni misis sa kanyang mister. Kaya naman minsan ay naiisip na tuloy ni mister na totohanin ang mga paratang. Minsan din ay nagagawa ito ng mister dahil sa pagkarindi niya sa palaging sermon ng asawa.

11. Total Package


Ang tukso ay palaging nasa paligid lamang. Hindi naman makikita ito kung naka sarado ang mga mata. Pero kapag binuksan ni mister ang kanyang mga mata at naka-kita ng total package na babae. Nagiging dahilan ito ng pagtataksil sa asawa.



Reply