Isang babae ang nagviral sa social media matapos niyang makita ang nakakaiyak na sikreto ng kanyang mister sa laptop nito matapos nitong mamatay sa gyera



Ang mawalan ng isang mahal sa buhay ay talaga namang masakit at mahirap tanggapin. Masakit isipin na wala na siya sa mga importanteng araw ng kanyang pamilya sa paglaki ng kanyang mga anak. Mula ng mamatay ang asawa ni Emma Weaver, pilit pa rin siyang nagpapakatatag at pilit na tinatanggap ang sinapit ng kanyang mister. Si 1st. Lt. Todd Weaver ay namatay sa Afghanistan para sa US Army.


Naiwan na lamang sa mga alaala at litrato si Emma kasama ng kanilang anak na babaeng si Kiley, na naging dahilan ni niya upang magpakatatag at lumaban pa sa buhay. Dalawang araw matapos ang pagkakalibing ng asawa,minabuti ni Emma na buksan ang laptop ng asawa.



Wala siyang kamalay-malay na may makikita pa siyang sulat na may nakalagay na “Dear Emma” at “Dear Kiley”.
Laking gulat niya na mayroon pa lang ginawang sulat ang kanyang asawa kung sakaling siya ay hindi na makauwing buhay sa kanyang mag-ina.


Habang siya ay gulat pa at unti-unting tumutulo ang luha, binuksan niya at binasa ang sulat ng mahal niyang namayapang asawa na nagsasaad kung gaano siya kamahal nito at kung gaano siya naging masaya at si Emma ang kanyang naging asawa. Pinaalalahanan din siya nito na gusto niyang maging masaya si Emma kahit anong mangyari at kahit ano pa ang kailangan niyang gawin para makamit ang kasiyahang ito ay lubos niyang matatanggap. Ayon pa sa sulat ay hindi dapat mag-alala ang misis dahil sa palagi siyang gagabay at susubaybayan ng kanyang mister sa langit.


Laman naman ng isang liham ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Labis labis ang pagpapaalala ng ama kay Kiley kung gaano niya ito kamahal at kung gaano siya ka-proud dito kasabay ng mga paalala patungkol sa pag-aaral ng mabuti at pagiging matulungin sa kanyang ina. Nakakakurot din ng puso ang paalala ng ama na maging mabuti siya at may malasakit sa ibang tao. At huwag na huwag niyang kakalimutang may Diyos na gumagabay at tumutingin sa kanila. Bagamat wala na siya at hindi na siya makakasama ng anak, pinaalalahan din niya ito na palagi niya itong babantayan mula sa langit. Nagdalawang isip man si Emma sa pagbabahagi ng mga sulat ng asawa sa kanila, ninais na rin niyang maibahagi ito lalo na sa mga taong dumadaan din naman sa ganoong pagsubok.





error: Content is protected !!