Kilalanin ang anak na babae nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa



Isa sa pinakamagandang mukha sa industriya ng show business ay sina Kristine Hermosa at Oo Boy Sotto. Ikinasal sila noong 2011 at nagkaroon ng apat na anak, tatlong lalaki at isang babae.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang unica hija nina Kristine at Oyo Boy dahil sa angkin nitong kagandahan na talaga namang pumukaw sa atensyon ng mga netizen kahit pa siya ay nasa murang edad.


Ang pangalan ng kanilang anak ay si Ondrea Bliss. Hindi lamang siya kinagigiliwan ng kanilang pamilya ngunit higit sa lahat ay mahal na mahal rin siya ng maraming netizens sa social media. Hindi maipagkakailang nakuha niya ang ganda at kagwapuhan ng kanyang mga magulang.



Tiyak na hindi lamang pisikal niyang anyo ang nakapukaw sa inyong atensyon kundi maging ang kakaiba niyang pangalan. Ayon sa ina nitong si Kristine nang siya ay nakapanayam sa “The Buzz” naghahanap raw sila ng pangalan para sa unica hija at nangusap sa kanila ang Diyos sa dapat ipangalan sa kanya. Ang ibig sabihin ng Ondrea ay matapang at malakas samantalang ang Bliss naman ay hindi masukat na kaligayahan.


Sa ganda at ngiti pa lamang ng bata ay inaasahan ng maraming netizens na magiging isang beauty queen siya sa kanyang paglaki. Natuwa rin ang marami nang malamang sobrang malapit siya sa kanyang mga kapatid na lalaki at tumutulong rin siya sa paglilinis ng kanilang tahanan. Nakakamangha naman na sa murang edad pa lamang ay isa nang responsable at maaasahang bata ang unica hija nina Oyo Boy at Kristine.



Sila ay huwaran ng isang pamilyang may takot sa Diyos at kitang-kita naman na pagmamahalan ang nagbubuklod sa kanila. Nawa ay maraming mga tao pa ang humanga sa kanilang buhay at kahit papaano ay makapulot ng mga aral na maaari rin nilang magamit sa pagpapalaki ng kanilang mga anak at pagtataguyod ng kanilang pamilya.




error: Content is protected !!