May-ari ng Alibaba Jack Ma ibinunyag ang kanyang sikreto sa pagiging isang bilyonaryo!



Si Jack Ma ay ang bilyonaryo sa likod ng Alibaba. Bago pa man siya naging mayaman ay sinubukan na niyang maghanap ng trabaho sa KFC. Marami siyang pinagtagumpayang pagsubok bago niya narating ang kanyang tagumpay.


Ang Chinese billionaire na ito ay nagsimula sa maliit at makitid niyang apartment kung sana niya kinausap ang 24 niyang kaibigan ngunit matapos niyang himukin ang mga ito na maniwala sa kanila ay umalis at hindi sumang-ayon sa kaniya ang 23. Ngunit ang isa niyang kaibigan na nagtatrabaho sa bangko ay pinayuhan siyang ituloy ang alam niyang magiging tagumpay niya at kung sakaling mabigo siya ay maaari naman siyang bumalik sa kanyang dating ginagawa.




Sinunod niya ang payo ng kaibigan niya na ito at nagpatuloy siya sa nais niyang landas. Bagamat hindi sang-ayon ang kanyang pamilya at mga kamag-anak. Kahit pa wala siyang alam tungkol sa kalakaran ng internet ay nagsumikap at nagpursige pa rin siya.


Hinikayat niya ang marami na maniwala sa kanilang mga sarili at maging focus. Ayon pa sa kanya, kailangan mong maniwala sa iyong sarili upang mapagtagumpayan mo ang lahat ng mga pagsubok na posible mong harapin. Sinabi rin niya na sa edad na 35 dapat ay mayroon ka nang napala sa buhay kung hindi ay mawawalan ng saysay ang lahat.


Ayon pa sa kanya ang mga bagay na nagiging hadlang sa pagiging matagumpay ng isang tao ay pagiging sarado ng kanyang isipan, pagpapalampas ng mga oportunidad, kakulangan sa ambisyon, sa tapang at pang-unawa. Samantalang kung ikaw at magkakaroon ng matibay at matatag na ambisyon sa buhay tiyak na ang tagumpay na iyong inaasam.





error: Content is protected !!