Mga Sikat Na Artista at Personalidad Na May Mga Foreigners Na Minamahal!



Sa pagpili ng magiging kapareha, marami tayong nagiging batayan sa pagpili. Kumbaga ay may mga qualifications tayo o standards sa isang magugustuhan. Pero ang katotohanan ay basta mahal niyo ang isa’t isa walang kahit anong mga standards ang makakapigil dito. Kaya kung pipili ka ng mapapangasawa, pumili ka ng taong mamahalin ka sa iyong kapangitan at sa iyong kagandahan.

Ganyan magmahal ang isang Pinoy! Ang mga Pinoy ay kilala sa pagiging mapagmahal na tao. Handa niyang ibigay ang sarili niya para sa taong minamahal niya. Kaya naman maraming mga foreigners ang nangangarap din na makapangasawa ng Pinoy.



Ating kilalanin ang Ilang Pinoy na may ka-partner na foreigner:

1. Iza Calzado at British Ben Wintle



Nitong buwan ng Disyembre 2018 ay kinasal na si Iza Calzado at ang British na si Ben Wintle. Naging maganda ang kanilang lovestory. Silang dalawa ay na-love-at-first-sight. Kinasal ang dalawa sa isang private resort sa Palawan.

2. Bianca Manalo at Brazilian Japanese Fabio Ide



Ang kilalang kapuso star na si Fabio Ide ay karelasyon ngayon si Bianca manalo ng limang buwan na.

3. Georgina Wilson at British Arthur Burnand




Ang kilalang host, VJ, at model na si Georgina Wilson ay kinasal sa isang British na si Arthur Burnand. Ipinakilala ni Georgina si Arthur sa kanyang mga followers noong September 2017.

4. Isabelle Daza at French Adrien Semblat


Pagkatapos ng 6 taon na relasyon ay sa wakas ay masayang may pamilya na si Isabelle Daza sa isang French na si Adrien Semblat.

5. Solenn Heusaff and Argentine Nico Bolzico




Ang kilalang kapuso aktres ay kinasal sa isang Argentinian na si Nico Bolzico pagkatapos ng mahabang panahon na pagsasama.

6. Anne Curtis and Filipino-French Erwan Heusaff


Ang sikat na showtime host na si Anne Curtis ay kinasal sa kapatid ni Solenn Heusaff na si Erwan Eusaff.

7. Vina Morales and French Marc Lambert


Nakilala ni Vina Morales ang muling nagpatibok ng puso niya sa pamamagitan ni Chavit Singson. Isang French na si Marc Lambert ang karelasyon ngayon ni Vina at kasama niya sa pag travel.

8. Ruffa Guttierez and French Israeli Jordan Mouyal


Siya ang muling nagpatibok sa puso ni Ruffa Guttierez na isang French-Israeli na si Jordan Mouyal. Kahit na 10 years ang gap nilang dalawa, tinanggap ng parehas na pamilya ang kanilang pagmamahalan.

9. Pokwang and American Lee O’Brien


Ang sikat na kapamilya komedyan na si Pokwang ay naka-pangasawa ng isang Amerikano na si Lee O’Brien. Naging leading man niya si Pokwang sa TFC movie na Edsa Woolworth.

10. James Yap and Italian Michela Cazzola


Ang sikat na basketbolista ay kinasal sa isang Italian na si Michela Cazzola. Si Michela ay isang secretariat specialist at matagal na rin silang nagsasama ni James Yap.




error: Content is protected !!