Isang Indonesian na babae at Koreano ang nagkaibigan at napamahal sa isa’t-isa, marami man silang natanggap na pangungutya ay patuloy pa rin nilang ipinaglaban ang kanilang pag-ibig



Hindi madaling magmahal, katulad na lamang ng katotohanang hindi rin naman madaling maghanap o makatagpo ng taong mamahalin mo at mamahalin ka. Sa panahon ngayon na sikat na sikat ang mga Koreanovelas, sino nga naman ang hindi mabibighani at hahanga sa mga Koreanong bida sa mga palabas na ito.


Marahil isa na ang Indones na si Vera Nandra Putri sa mga babaeng humaling na humaling sa mga kwento ng mga Koreanovelas na ito. Sinong mag-aakala na ang napapanuod lamang niya noon sa mga telebisyon o sa cellphone at computer ay mararanasan niya rin.




Nagsimula ang lahat ng ang 29-taong gulang na si Vera mula sa Indonesia ay naging interesado sa kultura at lenggwahe ng mga Koreano. Kaya naman siya ay nagtungo sa South Korea upang mapag-aralan ang kanilang kultura at pananalita.


Sa kanyang pamamalagi room ay naging malapit siya kay Jun na isang Koreano, kung noon ay malapit lamang silang magkaibigan, umusbong ito at nauwi sa matamis nilang pagmamahalan. Dahil sa malalim nilang pagmamahalan ay ninais na nilang magpakasal sa kabila ng masasakit na komento ng ibang tao sa kanila na nagsasabing hindi karapat-dapat si Vera para kay Jun at ito ay makakahanap pa ng mas maganda at mas sexy na babae kumpara sa kanya. Ang iba naman ay nagsasabing biro lamang daw ang kanilang relasyon at hindi rin daw ito magtatagal.



Laking gulat na lamang ng marami ng mag-post sila ng larawan kasama ang kani-kanilang pamilya kung saan hiningi na pala ni Jun ang basbas ng mga magulang ni Vera. Kung kaya naman sila ay naikasal sa tradisyon ng mga Indones at tradisyon ng mga Koreano batay na rin sa kanilang mga larawan. Talaga namang nakakamangha ang pag-iibigan nilang dalawa na sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba at sa kabila ng mga panghuhusga at pangungutya ng marami ay ipinaglaban pa rin nila ang kanilang pagmamahalan.




error: Content is protected !!