Kilalanin ang babaeng ito na hindi mo aakalaing 50-taong gulang!



Tunay ngang mahirap magpanatili ng timbang o maging ng ganda. Dahil sa ayaw at sa gusto natin ay lilipas rin ang kinis ng balat, ang linaw ng mata, at ang edad ay lalagpas rin sa kalendaryo.


Ngunit maniwala man kayo o hindi mayroong isang ina sa Tsina na napagkamalaang kasintahan ng kanyang 22-anyos na anak dahil sa ganda ng kanyang mukha at sa mala-dalaga niyang pangangatawan. Kung inaakala ninyo na ito ay bunga ng siyensya, magugulat kayong nagawa niyang alagaan ang kanyang katawan sa natural na paraan at nang hindi gumagamit o umiinom ng mga gamot.




Siya ay nagngangalang Liu Yelin na ina ng isang tila teenager. Ayaw na ayaw rin niya ma madadampian ng kahit anong “cosmetics” ang kanyang balat. Marahil ang pagiging makinis ng kanyang balat ay dahil sa pagiging aktibo niya sa kanyang pamumuhay. Sa katunayan nga ay madalas siyang napagkakamalan na nobya ng kanyang 22-taong gulang na anak na lalaki sa tuwing sila ay mamasyal o lalabas ng bahay.


Kapansin-pansin rin na wala siyang mga “wrinkles” o hindi pantay na kulay ng balat kasabay ng kanyang magandang pangangatawan na talaga namang pinaka-iinggitan ng maraming kababaihan at pinagkakaguluhan ng maraming kalalakihan.



Ayon pa sa kanya sa tatlong dekada niyang pag-aalaga ng kanyang sarili kinahiligan na niya ang paglangoy lalo na kung tag-lamig, lumalangoy din naman siya sa mga lawa at nagbubuhat rin siya para sa pang-araw-araw niyang ehersisyo. Sa katunayan ay nakapaglangoy na siya sa Yangtse River sa Tsina at Han River sa South Korea. At noong isang taon lamang ay nilangoy niya mula sa dalampasigan ng Penang, Malaysia hanggang sa Strait of Malacca, na umabot ng 7.45 na milyang layo sa loob lamang ng apat na oras.


Ang 50-anyos na ina ay mayroon nang higit sa 100 libong followers sa social media. Ang kanyang motto sa buhay ay “If you think you look rough, that’s because you haven’t sweat enough.”





error: Content is protected !!