Silipin ang larawan ng anak nina Buboy Villar at asawa nito na si Angillyn Gorens



Dalawang taon na ang nakalilipas ng gulantangin ni Buboy Villar ang publiko dahil sa nalalapit nilang kasal ng nobya niyang si Angillyn Gorens. Ikinagulat ito ng marami dahil sa sila ay sadyang mga bata pa at inakala nilang anh kanilang relasyon ay hindi rin naman magtatagal.


Ngunit hindi nagpatinag ang mga ito dahil sa patuloy pa rin silang naging masaya sa kanilang samahan. Mapapansin din sa kanilang mga social media account ang mga sweet nilang larawan na talaga namang kinaiinggitan ng marami.




Si Angillyn Serrano Gorens ay isang Amerikana na lumaki dito sa ating bansa. 2015 nang ligawan ni Buboy ang dayuhan at Pebrero ng 2016 ng sila ay naging opisyal nang magkasitahan. Noong nakaraang taon lamang ay biniyayaan sila ng isang malusog na sanggol na babae na ang pangalan ay Vlanz Karollyn Villar. September 1, 2017 ng isilang ang munting anghel ng mag-asawa.


Sa unang kaarawan niya ay naghanda ang kaniyang mga magulang ng underwater-themed party. Sinigurado ng mag-asawa na magiging masaya ang kanilang anak sa kanyang kaarawan. Ibinahagi naman ng proud na Tatay ni Vlanz ang kanyang mensahe sa kanyang munting anghel sa pamamagitan ng kanyang social media account.



“Sobra kaming blessed ng mommy mo nang dumating ka sa buhay namin. Ikaw ang bumuo ng lahat, anak ko. Anak ko lumaki ka na may takot sa Diyos at lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni papa.”


Sadyang nakakatuwang malaman na ang dating child star na hinangahaan at minahal nating lahat ay may pamilya na ngayon at mayroon na ring cute at napakagandang anghel sa kanyang buhay. Tunay nga na ang mga bata ay biyaya mula sa Maykapal na talaga namang nakakapagdagdag ng saya at ligaya sa buhay ng kanyang mga magulang at nagdadagdag liwanag sa kanilang tahanan.





error: Content is protected !!