Yaya na Pilipina wagi ng isang milyong piso matapos tanghalin na UAE’s Best Nanny!



Noong iwanan sila ng kanyang dating asawa kasabay ng pag-abandona nito sa kanilang bagong silang na sanggol, minabuti ni Rosie Villa na maghanap ng trabaho sa ibang bansa upang masuportahan ang kaniyang anak at maging maayos ang buhay nito. Sa loob nga ng 17 taon ay naging yaya siya sa United Arab Emirates. Ngayon taon, tiyak na magiging masaya at maligayang maligaya ang pasko nilang mag-anak dahil sa isang milyong piso na kaniyang napanalunan dahil sa siya ang nagwaging UAE’s Best Nanny!


Ang nasabing patimpalak ay nilahukan ng maraming mga yaya kung saan nagkaroon ng higit sa 2,000 nominasyon mula sa mga pamilya at kaibigan na nagnomina sa kanilang mga kilalang yaya sa buong UAE kung saan sila ay lumagda sa isang form online, nagpaskil ng larawan ng nanny na kanilang binoboto kasabay ng pagsagot sa lahat ng mga tanong ng detalyado. Matapos nito ay hinikayat nila ang kanilang mga kaibigan na i-like ang nasabing post dahil sa ang isang like ay katumbas ng isang boto.




Apat na eksperto ang naging judge ng nasabing patimpalak. Sila ang kumilala at nag-analisa sa mga kalahok. Sa 42 na nasala na mga kalahok ay isang 39-taong gulang na yaya mula sa Pilipinas ang nagwagi. Mayroon pang tatlong kategorya ang nasabing patimpalak ito ay ang “The Rising Nanny”, “The Longest Serving Nanny”, at ang “Best Employer Awards”.


Laking pasalamat na lamang ni Rosie at siya ang nagwagi sa nasabing patimpalak kung saan ang kanyang napanalunan ay ilalaan niya para sa edukasyon ng kanyang 17-gulang na anak na kukuha ng Kursong Accountancy.



Kahit pa siya ay isang single parent natutukan pa rin niya ang paglaki ng kanyang anak sa tulong ng kanyang mga kapatid. Balak din niyang magpatayo ng bahay at makatulong sa kanyang pamilya sa matitirang pera na kanyang napanalunan.


Ang sweldo niya sa isang buwan ay Dh2,800 (P40,000) na ipinadadala niya sa kanyang pamilya dahil sa ang kanyang mga magulan ay pareho nang “bedridden”. Sa Abril 2019 ay anim na taon na siyang nanunungkulan sa kanyang mga amo na sina Agustina Rastelli at Andrew Wojecki na siyang mga naging abala sa nasabing patimpalak. Isang kamangha-manghang biyaya ang ipinagkaloob sa katulad ni Rosie na mapagmahal, masipag at mabait na Overseas Filipino Worker (OFW).





error: Content is protected !!