25 na Prutas na bihira lang makita at kokonti lang ang nakakaalam, alamin natin kung ano-ano ang mga ito!



Sa dami ng klase ng mga prutas sa mundo maaaring napapaisip tayo kung ilan talaga ang klase ng prutas. Totoong masasabi na malaking tulong ang mga prutas upang maging malusog at maayos ang ating pangangatawan. Pinagmumulan kasi ng ibat ibang klase ng bitamina ang ibang prutas. Pero mayroon tayong mga prutas na maaaring hindi mo pa kilala, at bihira lang makita.

Ito ang ilan sa mga prutas na bihira lang makilala na matatagpuan sa maraming lugar sa mundo:



1. Palmyra Fruit


Ang prutas na ito ay karaniwang makikita sa gawi ng Timog-Silangang bahagi ng Asya.


2. West Virginia Banana


Tinatawag din itong “Pawpaw American Custard Apple” o “Indian Banana”. Kapag kinain mo itong prutas ang lasa ay parang pinaghalong saging at mangga.


3. Feijoa


Tinatawag din itong “Guavasteen” na isang prutas na naglalaman ng maraming Vitamin C.



4. Saskatoon Berries


Ang prutas na ito ay pwedeng gawing inumin at pwede ring kainin ang mismong prutas. Kilala ang prutas na ito sa Canada.

5. Green Gooseberries


Isang prutas na nagsasabing nagpapagaling ng ulcer, pamamaga at ilang problema sa tiyan. Sikat ito sa Europe, Caucasus, at sa Hilagang Africa.



6. Pequi Fruit


Ang prutas naman na ito ay may lasang keso na may kahalong sitrus. Kilala ito sa bansang Brazil.

7. Salak Fruit


Tinatawag din itong Snake Fruit na may lasang matamis na nakakapag-pagaan ng lalamunan.

8. Naranjilla


Kinakailangan ng sobrang pagiingat ang pagtatanim ng prutas na ito mula sa sikat ng araw at malakas na hangin. Ang lasa nito ay napaka-asim na ginagawang inumin na ang tawag ay “Lulada”. Makikita uto sa sa Hilagang-Kanlurang bahagi ng South Africa.

9. Totara


Ang prutas na ito ay matatagpuab sa New Zealand. Matamis ang lasa nito.

10. Tamarind


Ang maasim na prutas na ito ay matatagpuan sa mga bansang timog-silangang bahagi.

11. Wood Apple


Ginagawang gamot ito sa impatso at konstipasyon. Mabisa rin ang prutas na ito na panlaban sa mga impeksyon at pampalakas ng kalusugan.

12. Purple-Coloured Peach


Ang prutas na ito ay tinawag na Purple-Coloured Peach dahil sa kanyang matingkad na kulay.

13. Kalahating Pula at Kalahating Berde na Mansanas


Minsan lang magkaroon ng ganitong pagkakataon ang magkaroon ng ganitong klase ng mansanas. Kumbaga isa lang sa isang milyong mansanas ang nagkaka-ganito.

14. Pulang Saging


Nagiging Pink ang kulay ng saging kung ito ay mahihinog. Minsan naman ay kulay cream.

15. Pink Pearl Apple


Ang nilalaman naman ng loob ng prutas na ito ay kulay pink o ube.

16. Sweet Granadilla


Tinatawag din itong passion fruit na naglalaman ng maraming vitamin C.

17. Isang Uri ng Palmyra Fruit


Ang Palmyra na prutas ay lumalaki sa Palmyra Palm.

18. Lanzones


Ang lasa nito ay matamis na maasim na minsan ay naglalasa ring mapait.

19. Marang Fruit


Isang exotic at masustansyang prutas na pagkukuhanan ng maraming sustansya.

20. White Strawberries


Ang lasa ng prutas na ito ah parang lasa ng pinya. Nagkakahalagang 10 dolyar ang presyo nito kada piraso.

21. Pakwang Parisukat


Mahal ang bentahan ng prutas na ito na kilala sa bansang Japan.

22. Dilaw na Dragon Fruit


Karaniwan ang kulay ng balat nf dragon fruit ay pink o may pagkapula. Kaya naman bihira ang kulay dilaw na ganito.

23. Chocolate Vine Fruit


Ang prutas na ito ay kilala sa bansang Japan at South Korea.

24. Hairy Red Pittosporum


Kulay pula at dilaw na prutas na may kakaibang itsura.

25. Lakoochas


Ang prutas na ito, bagamat kakaiba ang itsura, masarap naman kapag kinain mo na.




error: Content is protected !!