Categories: Viral

Inakala ng isang pamilya na multo ang isang lalaki matapos nitong magpakita makalipas ang 7 buwan na pagkakacremate!

Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Tila wala nang papantay sa sakit ng panghihinayang at pangungulila. Bagamat hindi na natin sila makakasama at makakapiling sa mga mahahalagang okasyon ng ating buhay at sa pang-araw-araw nating pamumuhay, sila ay mananatili at hindi mawawaglit sa ating mga puso at isipan.


Ngunit maniniwala ka ba na mayroong isang lalaki na pinagkamalamang multo ng kanyang pamilya matapos nila itong makita 7 buwan makalipas siyang ideklarang patay at mai-cremate? Noong nakaraang ika-18 ng Mayo taong 2017 ng matagpuan ng mga pulis na wala nang buhay ang katawan ni Sakorn Sacheewa na agad nilang ipinaalam sa mga kamag-anak nito at pinayuhan silang kuhanin na ang kaniyang katawan.


Ayon sa pamilya ay nawalan sila ng komunikasyon kay Sakorn nang magtrabaho ito sa Bangkok makalipas ang dalawang taon. Nakita sa imbestigasyon na ang ikinamatay niya ay sakit sa digestive system kung saan siya ay nakita na lamang sa tinitirhan niya.


Kinuha naman agad ng kaniyang pamilya ang sinasabing bangkay sa Faculty of Medicine, Vajira Hospital of Navamindradhiraj University. Ngunit ng kunin nila ang bangkay ni Sakorn ay laking gulat ng kanyang pinsan na si Nakornchai na mayroon na ulit siyang dalawang ngipin sa harapan na dati ay wala na!

Kung kaya naman laking gulat na lamang ng kaniyang pamilya ganun na rin ni Sakorn ng umuwi siya mula sa Bangkok at siya ay inakala ng marami na multo na si Sakorn! Kung kaya naman pinisil-pisil siya ng kanyang mga mahal sa buhay. Sinabi at nakwento ng kanyang ina ang nangyari kasabay ng pag-ala-ala niya ng isang insidente kung saan may umalis siyang katrabaho noon tangay ang kanyang identification card. Sa ngayon, inaasikaso na niya ang kanyang nga records at humingi na rin siya ng tulong sa kinauukulan upang maayos at mabago ang kanyang pagkakakilanlan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago