Iniwan ng ama ang kanyang anak sa kanyang lolo at lola upang magtrabaho sa ibang bansa, nagulat siyang malaman na ito na ang anak niya ngayon!



Mahirap para sa isang magulang ang mawalay sa kanyang mga anak lalo na kung bata pa ang mga ito. Ngunit hindi ito maiiwasan lalo na kung para din naman sa kapakanan ng mga anak ang gagawin ng kanilang magulang. Iniwan ng ama na ito ang kanyang anak na babae sa poder ng kanyang mga magulang, laking gulat na lamang niya ng balikan niya ang kanyang anak sa mga lolo at lola nito ay talaga namang nakita niya ang pagbabago sa bata.


Ang batang babae na ito ay may mga mata na nangungusap at maiksing buhok na bagay na bagay sa kanyang bilugang mukha. Napakalaking ng kanyang pinagbago mula ng inalaagaan siya ng lolo at lola nito. Dahil sa abala sa trabaho noon ang ama ay hindi nito natutukan ang pagkain ng anak.



At ngaun ang lolo at lola niya ay palagi siyang pinapakain ng masustansiyang pagkain kung kaya naman ang dating hindi kumakain ng gulay ay nasanay nang kumain ng masusustansyang pagkain at hindi na rin ito mapili sa pagkain.


Dahil sa ang mga lolo at lola nito ay malayo sa siyudad, naiwasan din ng bata ang pagkain sa mga fast food chain at iba pang mga pagkain na walang sustansya. Matapos naman maiuwi ng ama ang kanyang anak ay dali dali itong humingi ng kanin at nagpaluto ng ulam dahil sa ito ay gutom na. Tuwang-tuwa ang ama nang malaman na magana nang kumain ang kanyang anak na dati ay mapili at mahinang kumain.




Nakakatuwang malaman na ang pagbabagong ito ng kanyang anak ay malaking tulong upang mas maging malusog at lumaki ng maayos ang batang babae. Tunay ngang wala ring papantay sa pag-aalaga ng sarili nating mga lolo at lola. Dahil bukod sa wagas na pagmamahal at pagmamalasakit ng ating mga magulang ay mayroon din tayong mga mapagmahal at mapag-unawang mga lolo at lola.





error: Content is protected !!