10 Pinaka-Mayamang Tao Sa Pilipinas Taong 2018, Ito ay Ayon Sa Forbes



Pinangarap ng maraming tao lalong-lalo na ang mga simpleng mamayan ang pagiging mayaman. Hindi biro ang marating ang buhay na iyon. Kinakailangan ng matinding pagsisikap, determinasyon, pagpupursigi, at pagsasakripisyo. Higit sa lahat ay kailangang magtiwala sa sarili upang marating ang pangarap sa buhay. Ganyan marahil ang ginawa ng mga sikat na mga bilyonaryong ito upang marating nila ang buhay na kanilang tinatamasa ngayon. Ang sikat na American Business magazine na Forbes ay naglabas na ng kanilang Top 10 na pinaka-mayamang tao sa Pilipinas ngayong taong 2018.

Kahit na matindi ang kumpetensya sa ekonomiya ng bansa, ang ibang mga nakatala dati sa Top 10 ay nakakasama pa rin. May mga pagbabagong nangyari, ang iba ay bumaba ang pwesto at ang iba naman ay tumaas. Si Henry Sy ay napanatili ang kanyang pwesto bilang Pinaka-mayamang tao sa bansa. Subalit biglang angat naman sa pwesto si Manny Villar mula 10th ng nakaraang taon ay tumaas bilang pangalawang pwesto.

Bumaba naman si John Gokongwei mula sa pangalawang pwesto at naging pangatlo. Si George Ty naman ay bumaba din na galing sa pang-apat ngayon ay 9th place na. Bumaba din si Andrew Tan mula pangwalo naging pangsampu. Si Enrique Razon, Jr. at si Tony Tan Caktiong ay napanatili ang kanilang pwesto sa pagiging panglima at panganim. Pero may mga bagong pangalan na pumasok. Sila ay sjna Jaime Zobel de Ayala na pang-apat at si Ramon Ang na Pang-walo.

Sila ang Top 10 na pinaka-mayayamang tao ayon sa Forbes 2018 at ang kanilang Net Worth sa Dolyar:

1. Henry Sy $18.3 B




2. Manuel Villar $5 B

3. John Gokongwei, Jr. $4.4 B

4. Jaime Zobel de Ayala $4 B

5. Enrique Razon, Jr. $3.9 B

6. Tony Tan Caktiong $3.85 B

7. Lucio Tan $3.8 B

8. Ramon Ang $2.85 B

9. George Ty $2.75 B

10. Andrew Tan $2.6 B





error: Content is protected !!