Fishball Vendor man ang magulang, nakaya niyang mapagtapos ang kanyang apat na anak ng kolehiyo!



Ano ngayon kung magtinda ka ng Fishball sa kalye? Mas mainam pa ang ganito kaysa naman sa kumita sa hindi magandang paraan. Huwag ismolin ang ganitong hanap-buhay, dahil marami ng mga kwentong makapag-papatunay na marami na itong natulungan.




Isang nag-vaviral ngayon sa Facebook ang kwento ng isang anak na babae sa kanyang pagmamalaki sa kanyang Papa at Mama na fishball vendor. Ibinahagi ni Girlie Versoza sa kanyang post sa Facebook ang kanyang kwento sa mga pang-aasar sa kanya ng mga kaklase niya dahil ang kanyang mga magulang ay nagtitinda ng Fishball. Imbis na maasar o panghinaan ng loob, nagtiwala siya sa kanyang mga magulang at ito pa ang nagpatibay ng kanyang sarili.



Sa kanyang post ay ibinahagi niya kung paano siya inaasar at kinakantsyawan ng kanyang mga kaklase. Madalas kasi siyang inaasar patungkol sa trabaho ng kanyang mga magulang. Minsan pa nga ay ng nagpunta ang mga kaklase niya sa kanilang bahay, nasabihan pang ‘basura’ ang kanilang bahay. Nasaktan man siya, hindi pa rin siya nagpatinag upang harapin ang mga pagsubok na dumarating sa buhay niya.


May mga ibinahagi rin siyang mga kaganapan kung saan ay ma-iisip na lubos ang pagsusumikap ng kanyang magulang sa pagkayod, sa kahit anong mga okasyon ay pupwestuhan talaga ng kanyang ama upang makapag-tinda lamang at kumita. May mga magagandang alaala rin katulad ng pagbili ng siopao sa convenient store. Ilan ito sa magpapatunay na mahal na mahal ng kanyang ama ang kanyang mga anak.


Noong naka-graduate siya ng elementarya, ikinatahimik ito ng mga nangaasar sa kanya, paano ba naman kase, salutatorian siya at nasa likod lang ang mga nangaasar sa kanya. Taas noo at ipinagmamalaki ni Girlie ang kanyang sarili at magulang, dahil asarin man siya ng Fishball-Kikiam-Palamig, nakapagtapos naman siya ng kolehiyo. At hindi lamang siya, pati rin ang kanyang tatlong ate.


Ibinahagi rin ni Girlie ang larawan kung saan inilagay niya ang toga sa motor na ginagamit na paninda ng magulang, pagpapakita ng pasasalamat dahil kung hindi dahil sa pagtitinda ng fishball, hindi siya makakatapos ng pagaaral. Sa huling bahagi ng post ni Girlie, lubos ang pagpapasalamat niya sa kanyang mga magulang sa lahat ng hirap, sakripisyo, at pagmamahal na ibinigay ng kanyang mga magulang.






error: Content is protected !!