Kilalanin ang anak na babae nina John Estrada at Janice de Belen!

Sina Janice de Belen at John Estrada ay ilan lamang sa mga artista noong 90’s na naging maugong ang pangalan dahil sa kanilang mga sweet at kilig moments noong sila ay magkasintahan pa. Bagamat maraming mga nalungkot at nabigla sa kanilang paghihiwalay at mayroon pa rin namang naging mabuting dulot ang kanilang naging relasyon.


Nagkaroon pa rin naman ng napakagandang biyaya ang dalawa sa kanilang pagsasama at ito ay ang kanilang anak na si Kaila Estrada. Naging usap-usapan siya sa social media nang siya ay ipinakilala na sa publiko at talaga namang hindi maipagkakaila ang kagandahan nito na tiyak na namana niya sa kanyang magulang.


Siya ay nagtapos ng kursong Arts Management sa De La Salle-College of St. Benilde. Matapos nang kanyang pag-aaral ay pinasok naman niya ang industriya ng pagmomodelo. Ang kanyang tindig, pangangatawan, magandang mukha at mala-porselanang balat ang ilan sa naging mga susi ng dalaga sa kanyang pagpasok sa industriya ng pagmomodelo.


Sa edad na 21, hindi nakikita ni Kaila ang kanyang sarili sa industriya ng show business bagkus ay gumagawa siya ng sarili niyang pangalan sa industriya ng pagmomodelo. Hindi na nakapagtatakang maraming malalaking kompanya nagnanais na makuha at makatrabaho si Kaila.


Ayon din naman sa dalaga, 17 taong gulang pa lamang siya ay namulat na siya sa pagmomodelo. Ang pinaka-unang nagawa niyan trabaho ay ang ika-25 anibersaryo ni Randy Ortiz na isang malaking palabas. Sa kabila ng kanyang kaba ay napaisip siya at napagtantong pagmomodelo talaga ang nais niyang gawin higit pa sa ibang mga kurso. Aminado si Kaila na hindi lamang kagandahan o tindig ang kaniyang nagiging basahen ng tagumpay kundi ang pagiging totoo mo sa iyong sarili.



error: Content is protected !!