Mga benepisyong dulot ng pag-inom ng tubig na may pipino, alamin!



Ang “cucumber” o pipino ay isang gulay na puno ng sustansya at nutrisyon kaya naman ang mga eksperto at siyentipiko ay patuloy na nagsisiyasat patungkol sa mga benepisyo nito sa ating katawan at kalusugan.

Ayon sa mga eksperto, maraming mga magagandang epekto ang pipino sa ating pangangatawan tulad na lamang ng pag-aalis nito ng mga “toxins” sa ating katawan, ginagawa nitong “hydrated” ang ating katawan, at pagpapaganda ng buhok at balat natin.



Ayon din naman sa isang babae na hindi ipinabatid ang kanyang pangalan, ang kumunsumo ng pipino dahil sa kanyang pagtataka kung ano ang maaaring maidulot nito sa kanyang katawan. At ito ang kanyang natuklasan tungkol sa benepisyo ng pipino sa ating katawan.




1. Pagtanggal ng “toxins” at pagpapanatiling “hydrated” ng ating katawan.




Dahil sa ang pipino ay 95 porsiyentong tubig, hindi maipagkakaila na mabisa ito upang mapanatiling “hydrated” ang ating katawan.



2. Pagtunaw ng pagkain at pagsunog ng taba sa ating katawan



Sa madalas na pagkonsumo nito ay makikita ang magandang pagbabago sa iyong buong pangangatawan at kalusugan. Binibigyang buhay nito ang metabolismo sa ating katawan, pangunahin ding makukuha sa pipino ang “dietary fiber” at tubig, ito rin ang dahilan kung bakit napakabisi nito sa paglilinis at pag-aalis ng “toxins” sa katawan.

3. Mabahong hininga


Problema ba ninyo ang mabahong hininga? Marahil ay ito ang nararapat mong gawin, maghiwa lamang ng pipino at ilagay ito sa iyong bibig ng 30 segundo. Mayroong “antibacterial properties” ang pipino kung kaya’t tiyak na mawawala ang mabahong hininga.



PAANO NGA BA ANG PAGHAHANDA NG PIPINO?
Ikonsumo ang ilang hiwa ng pipino bilang “side dish” sa bawat pagkain o kaya naman ay ibabad sa tubig na iyong iniinom.


IBA PANG MAGANDANG BENEPISYO NG PIPINO SA ATING KATAWAN

      • Nakakabawas o nakakapagpababa ng “cholesterol”.
      • Nakakatulong sa pagpapababa ng timbang.
      • Nakakatulong upang makaiwas sa sakit ng ulo.
      • Nagiging “hydrated” ang katawan.
      • Nakakagamot sa “diabetes”.
      • Mayroon itong mataas na “silica content” para sa mas magandang buhok.
      • Nakapagkokontrol ng presyon ng dugo.
      • Nakatutulong para sa “digestion”.
      • Nakapapawi ng sakit ng kasu-kasuan.
      • Nakapagpapaganda ng balat.



error: Content is protected !!