Alamin ang tunay na pangalan ng mga paborito nating Kapamilya stars!



Karamihan sa ating mga paboritong artista ay gumagamit lamang ng mga stage name upang mas madaling matandaan ng mga tao at mas makilala ng maraming manunuod at taga-hanga. Narito ang ilan sa mga pangalan ng mga iniidolo nating artista na hindi mo aakalaing tunay nilang mga pangalan.

ARCI MUÑOZ




Si Arci Muñoz ay kilala bilang isang mahusay na aktres at mang-aawit. Siya ay 29 na taong gulang na. Nakuha ang stage name ni Arci sa unang dalawang letra ng kanyang pangalan na Ramona Cecilia Muñoz.

BEA ALONZO


Ang 31-taong gulang na aktres, mang-aawit, modelo at host na ito ay mas kilala bilang si Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom sa totoong buhay.



DANIEL PADILLA



Ang 23-taong gulang na sikat na binatang aktor na ito ay mas kilala ng kanyang pamilya bilang Daniel John Ford Padilla. Siya ay anak nina Rommel Padilla at Karla Estrada.



DIEGO LOYZAGA


Siya ang 23-taong gulang na anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga. Isa siyang aktor, modelo, VJ, endorser, at car racer. Ang totoo niyang pangalan ay Carlos Diego Loyzaga.

ENCHONG DEE


Nakilala ang 30-anyos na si Ernest Lorenzo Velasquez Dee sa kauna-unahan niyang TV drama na “Katorse” taong 2009. Siya ay kilala rin bilang isang aktor, modelo, swimmer, at mang-aawit.

JAKE CUENCA




Juan Carlos Cuenca naman ang tunay na pangalan ng 30-anyos na si Jake Cuenca. Hindi lamang siya isang aktor at modelo kundi isa rin siyang manlalaro ng “football”.

JODI STA. MARIA


Ang 36-taong gulang na si Jodi Chrissie Garcia Santamaria o mas kilala rin bilang Jodi Sta. Maria ay isang mahusay na aktres na nakilala sa mga proyekto niyang Pangako Sa’yo, Tabing Ilog, Darating ang Umaga, 100 Days to Heaven, Be Careful With My Heart, All You Need is Pag-ibig, The Achy Breaky Hearts, at Sana Dalawa ang Puso.

KATHRYN BERNARDO


Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo ay 22-taong gulang na aktres, modelo, endorser, at recording artist na mas kilala bilang Kathryn Bernardo.

LIZA SOBERANO


Hope Elizabeth Soberano naman ang tunay na pangalan ng 20-taong gulang na Filipino-American na actress at model na ito. Mas nakilala rin siya bilang si Maria Agnes Calay ng romantic comedy television series na “Forevermore” kasama si Enrique Gil noong 2014-2015.

MAJA SALVADOR


Ang 30-anyos na si Maja Ross Andres Salvador ay kilala bilang isang aktres, mananayaw, mang-aawit, host, recording artist, at endorser.

MAYMAY ENTRATA


Si Marydale Entrata ay mas kilala sa nakararami bilang Maymay Entrata. Siya ay 21-taong gulang na aktres, mang-aawit, at modelo.

NASH AGUAS


Si Nash Aguas naman ay isang aktor, mang-aawit at modelo. Sa murang edad na limang taon ay nagsimula na siya sa industriya ng show business. Ang tunay niyang pangalan ay Aeign Zackrey Nash Victoriano.

ROBI DOMINGO


Si Robert Marion Eusebio Domingo o mas kilala bilang Robi Domingo ay 29-taong gulang na VJ, host, modelo at aktor.

VINA MORALES


Sharon Magdayao naman ang tunay na pangalan ng sikat na mang-aawit at aktres na si Vina Morales.

CHOKOLEIT


Jonathan Garcia naman ang tunay na pangalan ni Chokoleit. Siya ay kilala bilang isang mahusay na komedyante at performer.

KZ TANDINGAN


Kristine Zhenie Tandingan naman ang tunay na pangalan ng mahusay na mang-aawit na si KZ Tandingan.

ARJO ATAYDE


Juan Carlos Atayde pala ang tunay na pangalan ng mahusay na aktor na si Arjo Atayde. Siya rin ang anak ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez at asawa nitong si Arturo Atayde.

COLEEN GARCIA


Si Coleen Garcia ay mas kilala ng kanyang pamilya at kamag-anak bilang si Danielle Claudine Garcia. Ikinasal siya kay Billy Crawford taong 2018.

DENISE LAUREL


Ang tunay na pangalan ng apo sa tuhod ng dating Presidente ng Pilipinas na si Jose P. Laurel ay DenisE Maria Sanz Laurel.

DIMPLES ROMANA


Ang tunay na pangalan naman ni Dimples Romana ay Dianne Marie Romana Ahmee.

ERICH GONZALES


Sadyang mahaba at maganda rin naman ang tunay na pangalan ni Erich Gonzales na Erika Chryselle Gonzales Gancayco.

JULIA BARRETO


Mas pinili rin naman ni Julia Barreto ang kanyang maiksing stage name kaysa sa tunay niyang pangalan na Julia Francesca Barreto Baldivia.

KAYE ABAD


Katherine Grace Abad naman ang tunay na pangalan ni Kaye Abad.

LOISA ANDALIO


Josefina Loisa Andalio naman ang tunay na pangalan ni Loisa Andalio.

MATTEO GUIDICELLI


Mas kilala naman siya sa tunay niyang pangalan na Gianmatteo Guidicelli.

POKWANG


Ang mahusay na komedyanteng si Pokwang ay kilala rin bilang si Marietta Subong sa totoong buhay.

SUE RAMIREZ


Siya ay si Sue Anna Dodd sa tunay na buhay.

Source:Abs-cbn




error: Content is protected !!