Dahil sa 50peso saving challenge, nakaipon ang Couple na ito sa kanilang Travel sa Apat na Bansa Sa Asia



Marami sa atin ang nangangarap makapag-travel sa ibang bansa. Kaso hindi madali ito para sa ilan. Kaya pinipili na lang nila ang mamasyal sa bansa. Pero ikina-bilib ng maraming netizens ang ibinahagi sa Facebook ng dalawang nagmamahalan sa kanilang travel experience sa apat na bansa na magpapatunay na kayang kaya ito kung gagawan ng paraan.


Ang dalawang ito ay sila Nhal Alforque at si Gegi Ilagan. Nakaipon lamang sila ng maliit na halaga ng pera pero hindi nila lubos akalain na marami na pala silang mapupuntahan. Napuntahan nila ang bansang Thailand, Cambodia, Laos, at Malaysia. Talaga namang natuwa sila sa kanilang naging adventure sa mga napuntahang bansa. Ating tunghayan ang naging itirenary nila sa pamamagitan ng kanilang ibinahagi sa Facebook.




Sinabi ni Nhal na naka-ipon sila ng pera sa pamamagitan ng 50-peso saving challenge. Ito ang naging dahilan upang makalikom sila ng pera para sa kanilang planong travel. Ibinahagi rin nila ang mga discounted links ng mga travel fares na kinuha nila. Nakalagay din kung magkano ang palitan ng pera sa ibang bansa. Ang mga halaga ng Peso sa Thai Baht, Laos Kip, Vietnamese Dong, at US Dollar.

Nagumpisa sila sa Bangkok, Thailand. Napuntahan nila ang Wat Arun, Ayutthaya River, National Museum, Chao Phraya River, Chinatown at Asiatique. Ang nagastos lamang nila ay Php 1,221.01 sa pamamasyal nila sa Bangkok. Sa pangatlong araw naman nila, sila ay nasa Laos at gumasta lamang sila ng Php 2,480.50 nakapaloob dito ang mga pamasahe ay kanilang kinain.



Sa pang-apat na araw, sila ay nagstay sa Neverland Zipline-9 stattions, Kayaking, River Tubing, at nag-road trip na may gastos na Php 4, 060.57. Sa Pang-limang araw, sila ay nagpunta sa Cambodia. Sa lugar na ito ay kumain sila ng maraming exotic na pagkain sa night market. Nagstay din sila sa isang hotel doon na gumasta ng Php 2,013.00 ng buong araw.



Binisita rin nila ang Angkor Wat sa pang Anim na araw at namasyal sa mga templo. Ang gastos nila dito ay Php 3,700 na may kasama ding Tuktuk Ride. Sa kanilang huling araw, sila ay nanatili sa Vietnam at bumista ng maraming lugar at namili ng mga souvenirs na nabili nila sa night market. Pinuntahan din nila ang Notre Dame Cathedral, Saigon Post Office, Remnant Museum, Independence Palace, Saigon Mall. Ang naging gastos nila ay Php 577.57.


Ibinahagi ni Nhal sa kanyang post na ang kabuuhan ng kanilang nagasta kasama na rin ang airfare ay Php 19,752.72 kada tao. Dahil sa 50-peso savings, hindi sila nahirapan magipon upang magawa ang pinangarap nilang travel sa ibang bansa.



Ang susi lang para matupad ang ganitong klaseng pangarap ay magipon at mag-research ng mga makakatipid at discounted na mga travel agencies. Maging maalam din sa mga lugar sa pamamagitan ng pagalam ng mga magagandang itirenary ng lugar.




error: Content is protected !!