Sila ang Kapatid ng Pitong Sikat na mga Celebrities na may magagandang itsura



May mga kanya-kanya tayong mga paboritong artista. Ilan sa mga hinahangaan nating mga artista ay may mga kapatid ding nasa mundo ng showbiz. Pero alam niyo ba na may mga artistang may mga kapatid, na lingid sa ating kaalaman ay mga artistahin din?

Sila ang mga kapatid ng mga Artistang sikat na may angking kagandahan katulad ng mga kapatid nila.



1. ATHENA MERRIQUE MADRID


Si Athena ang kapatid ni Ruru Madrid. Nakilala natin si Ruru Madrid sa kanyang magandang mukha at katawan. Katulad ng kapatid, Si Athena ay maganda rin at nagmomodelo.


2. ROANNA PADILLA AND MARGARET PLANAS


Sino pa ba ang hindi nakaka-kilala sa sikat na artista na si Daniel Padilla. Kahit na kapatid lang sa ina ni Daniel Padilla, mapapansin na artistahin din ang mga itsura ng mga kapatid niya na sila Roanna at Margaret. Siyempre naman, nanggaling sila sa maganda nilang ina na si Karla Estrada.


3. RIA ATAYDE


Kapatid naman ni Arjo Atayde si Ria Atayde. Sinusundan na rin ni Ria ang yapak ng kanyang kapatid na si Arjo sa pamamagitan ng pagpasok sa industriya ng pelikula.



4. WENDOLYN CHIU


Isa sa mga hinahangaan nating artista na si Kim Chiu na may kapatid ding mestiza at may singkit na mata rin na si Wendolyn Chiu.

5. ISSA PRESSMAN


Katulad ng kanyang kapatid na si Yassy Pressman, magaling din sumayaw si Issa Pressman. Bukod sa pagiging magaling nilang sumayaw, mapapansin na talagang magkahawig ang dalawa. Pagsuotin mo sila ng parehas na damit, baka malito ka kung sino si Yassy.



6. ALEX DENEECE LOPEZ


Kapatid naman ni Gabbi Garcia si Alex Deneece Lopez. Ang magandang binibini na ito may magandang mukha kahit na walang make-up. Siguradong mabibighani ka sa taglay na kagandahan ni Alex.

7. KAYCEE


Sino pa ba ang hindi makaka-kilala sa kapusong aktress na ito. Ang magandang si Liza Soberano ay may batang kapatid na maganda. Siguradong paglaki nito ay artistahin din ang itsura katulad ng kanyang ate Liza.




error: Content is protected !!