Categories: Viral

Nakuhanang larawan ng Chinese Satellite sa Shanghai pinahanga ang maraming tao sa napakagandang kuha nito!

Maaari mo itong lakihan o liitan, tiyak na mamamangha kang makita ang mga mukha ng mga taong naglalakad sa abalang lugar na ito sa Shanghai. Ang 195 gigapixels na larawan ito ay larawang ng Shanghai City na hindi lamang nagpapakita ng mga larawan kundi ng bawat mukha ng mga taong naglalakad sa lugar na ito.

Ito ay talaga namang isang “panoramic bird’s eye view” na nakuhanan ang bawat detalye ng nasabing siyudad. Ang 360-degree panoramic view na ito ng siyudad ng Shanghai ay kuha ng Bigpixel Technology mula sa Oriental Pearl Tower ng Tsina.

Ang world-class na enterprise na ito ay inimbita ng Shanghai Information Office upang makuhanan ng larawan ang buong Shanghai. Sa tulong ng makabagong teknolohiya at ng 195 billion pixels, nakuhanan ng Bigpixel Technology ng isang nakakamanghang kuha ang lugar na ito.

Sa mga larawang ito, matutunghayan ng mga netizens ang Shanghai mula sa kanilang mga smartphones, o kompyuter. Ang nakakamanghang larawan na ito ay may kuha rin ng mga namumukadkad na bulaklak sa Pearl Ring Roundabout at maging ang mga dumi at kalat ng gusali na kinukumpuni. Kung tatangkain mong lakihan ang larawan tiyak na magugulat kang malaman na maging ang mga plaka ng sasakyan ay iyong makikita gayundin ang mga mukha ng mga taong dumadaan sa kalsada.

Ibinulgar naman ng Bigpixel Technology na hindi lamang ito isang malaking larawan kundi ito ay binubuo ng libo libong larawan na mas malinaw at detalyado pa sa mga tradisyunal nating kamera. Ang nasabing larawan ay kuha noong Hulyo 2015. Ito ay isinapubliko noong opening ceremony ng Shanghai Week, Milan World Expo ng parehong taon. Ito rin ang may hawak ng titulong “largest image in Asia” at “third largest image in the world”.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago