Video ng isang delivery man na kumakain ng order ng customer sa elevator viral ngayon sa social media!



Minsan na tayong napunta sa isang sitwasyon kung saan gutom na tayo pero naroroon pa din yung katamaran na magluto o maggayak ng pagkain kung kaya naman mas pinipili na rin nating magpadeliver sa na mas madaling paraan upang mapunan ang kumakalam nating sikmura.



Sa katunayan, madalas rin nating pinagdarasal na sana ay mas maagang dumating ang taong maghahatid ng order nating pagkain. Ang pagiging malamig ng pagkain ay isa na rin marahil sa mga bagay na inaalala natin sa tuwing tayo ay oorder.


Isa food delivery man sa Tsina ang kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media dahil sa namataan siya sa isang surveillance camera at nakuhanan habang kinakainan ang pagkain ng customer.


Isang empleyado ng delivery app na Meituan ang huling-huli sa surveillance camera habang dahan dahan niyang binubuksan ang order na pagkain ng isang customer sa elevator sa Guangdong City of Sihui. Matapos niyang kagatan at kainan ang pagkain ay agad agad niya itong isinara at ibinalik sa lalagyan nito. Maging ang soup o sabaw ay hindi rin nito pinalampas na tikman. Matapos nito ay lumabas siya ng elevator na tila ba walang nangyari.



Dahil sa kumalat na video ng lalaki ay agad na tinanggal sa trabaho. Ayon kay Mr. Xu, public relations officer ng Meituan sa Southern China ay tinanggal na nila agad sa trabaho ang nasabing lalaki at ipinaalam ito sa buong industriya ng food delivery. Sinigurado din niya na pagbabawalan na ang lalaking ito na makapasok at maging parte ng industriya. Lubos daw silang humihingi ng paumanhin sa nangyari at sisiguraduhin na mas pagbubutihan nila ang pagsasanay at pagdidisiplina sa mga empleyado nila.




error: Content is protected !!