House and Lot na pangako ni Manny Pacquiao sa isang Ice Cream Vendor, tinupad na!

Isang tunay na matulungin sa kapwa ang ating pambansang kamao. Sa kabila ng natatamasa niyang naguumapaw na kayamanan ay ibinabahagi niya ito.

Kamakailan lang ay pinangakuan ni Senator Manny Pacquiao ang isang ice cream vendor na si Marcelino Entia. Nagsimula ito noong nahabag ang pambansang kamao sa matanda. Kaya naman sa kabutihang loob ay inalok niya ito ng bahay at lupa, bagong trabaho, at may kasama pang pera.

Tunay kasing nakakabilib si manong, sa kabila kasi ng kanyang karamdaman ay pinipilit niya pa rin maitaguyod ang kanyang pamilya sa pagtitinda. Kahit na nakaranas na siya ng stroke. Ito ang naging dahilan sa pagkahabag ni Senator Manny Pacquiao sa tindero. Binigyan ng Php 30,000 na pera si Marcelino upang hindi na magtinda sa kalsada at maiwasan ang sobrang init na maaaring makasama sa kanyang karamdaman. Binigyan niya rin ng scholarship ang mga anak nito upang hindi na niya maging problema ang pagaaral ng kanyang mga anak. Ang mga nakapaligid sa lugar ay sobrang natuwa sa ginawang kabutihan ni Manny Pacquiao. Si Jen Manilay ang nagbahagi ng video patungkol sa pangyayaring iyon.

Ayon kay Jen Manilay sa kanyang post:

“[Si] manong (Entia) parang nananaginip at mangiyak ngiyak s pasasalamat. today is surely a blessing. may pambili n ng gamot c manong. hindi narin mhihirapan mgtinda ng ice cream in a very sunny afternoon dahil binigyan nrin nmin c manong ng trabaho s goldenstate,” Marami ang nakakaalam ng naging istorya ng buhay ni Manny Pacquiao. Isa dito ang hirap ng buhay niya dati na naging dahilan para bumawi siya sa mga taong nangangailangan.

Kaya naman sa pangyayaring ito, marami ang nagaabang kung naibigay na ba ang pangakong bahay kay manong Marcelino. At siyempre, tunay at totoo ang mga binitawang pangako ni Manny Pacquiao.

Ang pangako na ito ay tinupad na! Personal na ibinigay ng pambansang kamao ang bahay at lupa sa Barangay Calumpang. Dito sa lugar na ito ang puwesto ng kanyang mga pabahay na proyekto. At higit pa sa inaakala ay kumpleto na sa mga gamit ang bahay. Mayroong telebisyon, higaan, at maayos na ang itsura ng loob. Hindi narin problema ang tubig at kuryente kasi mayroon narin. Kulang na lang talaga ay ang titira.

Inimbitahan din ng pambansang kamao si Manong Marcelino at kanyang pamilya sa kanyang mansyon para sa isang hapunan na naging daan upang makilala din si Mommy Dionisia. Sinabi ni mommy Dionisia na pahalagahan ang ibinigay ng kanyang anak.



Reply

error: Content is protected !!