Ipinagdiwang ni Zanjoe Marudo ang kanyang Pasko kasama ang diumano’y non-showbiz girlfriend nito!



Ang mga usap-usapan tungkol sa diumanong kasintahan ni Zanjoe Marudo ay mas naging maingay sa social media nang sila ay makitang magkasama na nagdiriwang ng Kapaskuhan sa Siargao. Ang diumanong kasintahan ng aktor ay ang surfer-model na si Josie Prendergast.


Unang umusbong ang bulong-bulungan tungkol sa dalawa ng makita ang kanilang larawan sa social media account ni Josie na pinost niya noong Mayo. Matapos nito ay namataan muli ang 35-anyos na aktor na kasamang nagdiriwang ng kaarawan ng dalaga sa Siargao noong ika-19 ng Hunyo.




Si Josie Prendergast ay ipinanganak sa isang maliit na islang kung tawagin ay Siargao. Ang kanyang ina ay isang Spanish-Filipino habang Scottish-Australian naman ang kanyang ama. Apat na taong gulang siya nang sila ay lumipat at manirahan sa Byron Bay, Australia. Edad sampung taon naman nang siya ay matutong mag-surfing sa impluwensiya na rin ng kanyang ama.


Sa social media account ng 19-taong gulang na modelo at surfer na ito ay hindi maitago ang kanyang galak at kasiyahan sa surpresa ng kanyang mga kaanak at kaibigan sa kanyang pagbababalik sa kanilang dating tirahan.





Kung ang aktor ay madalas na tumatanggi sa nasabing usap-usapan sa kanilang relasyon, marami naman sa mga netizens ang nagulat nang ang aktor ay nagbahagi ng larawan niya sa kanyang social media account nang siya ay nasa Siargao’s Sugba Lagoon. Kasabay din naman nito ang pagpopost din ng dalaga ng kanyang larawan sa Sugba Lagoon.




Kinumpirma din naman ng aktor na nasa “getting-to-know-each-other” stage pa lamang sila. Nabanggit din ng aktor ang kanyang pagnanais na magkaroon ng isang kasintahan na mas nais ang tahimik at simpleng pamumuhay matapos niyang magkaroon ng mga karelasyon sa industriya ng show business. Kung maaalala ninyo noon, si Zanjoe ay nagkaroon ng limang taong relasyon sa Kapamilya star na si Bea Alonzo matapos nito ay na-link rin siya kay Bela Padilla noong nakaraang taon.





error: Content is protected !!