Isang Pasilip sa isang Maganda At Malaking Kuweba na matatagpuan sa Vietnam



Isang biyayang maituturing ang kagandahan ng ating kapaligiran at kalikasan. Kaso, nakakalungkot isipin na ang ibang tao ay hindi pinahahalagahan ang kagandahang ito. Dahil sa ilang kapabayaan ay nasisira ang ating kalikasan. Para mamulat tayo sa katotohanan, isang nadiskubreng kuweba ang magpapakita sa atin ng kagandahan ng kalikasan. Nawa’y ang mga litrato dito ang maging paalala sa atin na mahalin natin ang inang kalikasan.


Noong 1991, isang magsasaka ang naging susi upang madiskubre ang Phon Nga-ke Bag National Park. Habang siya ay naglalakad sa kuweba, napansin niya ang lumalabas na tubig sa loob ng kuweba.




Kinilala ang kuweba sa pangalan na Son Doong na ang kahulugan ay “water cave” sa salita ng Vietnam. Ito ay nadiskubre ng isang 18 taong gulang na magsasaka. Kaya naman isang grupo ng mga mananaliksik ang napagbotohan na suriin mabuti ang loob ng kuweba.


Sa pagsusuri sa loob ng kuweba, tunay na nabighani at nagandahan ang mga researcher sa pinamalas na kagandahan ng kuweba. Tila parang paraiso ang isang lugar kung maituturing na binansagan na rin na isa sa pinaka malaking kuweba sa buong mundo.



Nasabi ng mga researchers na nakakita sila ng isang lawa sa loob ng kuweba at mayroong mga halaman at faunas. Bukod pa dito ay may maulap sa loob ng kuweba. Ang halumigmig ng hangin ang naging dahilan upang magkaroon ng ibat ibang mga organismo sa loob ng kuweba.


Mayroon ding makikitang ilog sa loob ng kuweba na may malakas na agos ng tubig. Ang kagandahan ng lugar ay tila parang nasa isang pelikula. Siguradong magugustuhan ng kahit sinong makakapasyal dito ang napaka-linaw na sapa na makakapagpa-relax sa pakiramdam.



Ang kakaibang kuweba na ito ay makapagbibigay ng di matatawarang ekspirensya sa mga gustong makapasyal sa naturang lugar. Ang kuweba na ito ay nalalayo sa labas ng mundo, naging dahilan ito upang panirahan ito ng maliliit na mga nabubuhay at mga organismo. Sa magandang tanawin na makikita sa loob ng kuweba, pwedeng masabi sa sarili na ang sarap mabuhay sa mundo. Kaya naman ating ingatan, pangalagaan, at mahalin ang inang kalikasan.




error: Content is protected !!