Pasilip sa Bahay ni Sweet! Ang Multi-Storey Property ni John Lapus



Marami sa atin ay nagiging interesado sa mga bahay na napupundar ng mga sikat na artista. Ito kasi ang nagiging simbolo ng kanilang tagumpay sa kanilang pagsisikap sa kanilang trabaho. Kaya naman alamin at silipin natin ang bahay ng isang artista.

Si John Lapus ay isang komedyante at aktor na mas kilala sa bansag na “Sweet”. Siya ay nagmamay-ari ng isang multi-story property. Kung sa malayuang tingin akala mo ay hiwa-hiwalay ang mga bahay pero ang katotohanan ay limang magkakadikit na unit ito sa isang corner lot. Sa dahilang ito ay mapapansin na malaki ang bahay.



Ang kabuohang kulay ng bahay ay may itim at puti na mag dagdag na mga pulang disenyo. Ang hugis ng bahay ay parang kalahating octagon na may sukat na 140 square meters. Ang espasyo ng lugar ay napaganda at nadisenyo ng Interior designer na si Leo Labajo.

FACADE



Noong 2010 ay nabili ni Sweet ang townhouse na ito. Mula sa sipag niya sa trabaho ang pagkakaroon ng ganitong klaseng bahay.

LIVING AREA



Ang naging thema ng kulay ng kanyang bahay ay itim at pula. Kaya naman mapapansin kahit sa loob ng bahay ay ito ang karaniwang makikita. Mayroon ding mga kulay na pula upang magkaroon pa ng elganteng datingan. Maayos din ang pagkaka-pwesto ng mga ilaw. Pati ang mga sofa ay kulay itim.

KITCHEN AND DINING ROOMS




Ang dining table naman ni Sweet ay nabili sa Muebles Asia. Isa itont 6-seater na talaga namang sakto sa espasyo ng lugar. Ang kitchen area naman ay may malaking countertop na mainam sa paggawa ng makakain.

BEDROOM


Isang L-shaped sofa naman ang makikita sa kwartong ito na mau Gray at Pulang malalambot na mga unan. Ang hugis na ito ay naaayon sa hugis ng lugar.

VERANDA




Bukod pa sa sitting area, mayroon din siyang veranda sa labas ng kanyang bedroom. Makikita sa larawan ang regalong upuan ni Kris Aquino. Dalawang dragnet chair, itsurang fishermen’s nest na gawa ni Kenneth Cobonpuet. Mayroon din siyang mahabang black massage table na ginagamit niya tuwing siya ay magpapamasahe.

MASTER’S BEDROOM


Isang malaking portrait ang mapapansin sa kanyang bedroom, isang malaking portrait ni sweet na bilang isang diosa. Ang kama naman ni sweet ay mapapansin din ang kulay ay hango rin sa panglahatang kulay ng lugar. May mga magagandang mga bintana rin upang pumasok ang mga ilaw.

STORAGE DETAIL


Isang mataas na bukas na kabinet ang makikita malapit sa hagdan na sa loob ay naglalaman ng Telebisyon, DVD na koleksyon, at mga awards ni Sweet.

BATHROOM


Isang magandang salamin ang mapapansin sa banyo ni sweet. At pinaganda pa ito ng itim na patungan ng lababo at showe4 na may sarahan na salamin. Mayroon ding mga halaman na nakaka-dagdag ng nakaka-relax na pakiramdam.




error: Content is protected !!