Isang 12 anyos na bata, piniling mamulot ng basura para makalikom ng perang maitutulong sa kanyang stepmom



Hanggang saan ang kaya mong itulong kung hindi mo naman kadugo ang iyong tutulungan? Kaya mo bang magsakripisyo para sa mga taong mahalaga para sayo? Ang pagmamahal ay walang limitasyon! Kahit ano ay gagawin para lamang maiparamdam ang pagmamahal mo sa taong mahalaga para sayo. Kaya naman, ating alamin ang isang kwento na maaring tumunaw ng ating puso. Ito ay kwento ng isang 12 taong gulang na tinutulungan ang kanyang stepmom.


Siya si Wangzhen na 12 na taong gulang na naka-tira sa Nanyang, Henan, China. Namataan siyang namumulot ng basura noong kainitan ng Hulyo 26. Sa sobrang init ng panahon ay tinitiss ng batang ito ang pagod para lamang makapulot ng mga kalakal na pwedeng ibenta. Imbis na mag-aral ay ninais niyang gawin ito upang makatulong sa kanyang nangangailangan na stepmom. Ating alamin kung bakit ganito na lang ang nagawa ni Wangzhen para sa kanyang hindi tunay na ina.




Noong dalawang taong gulang pa lang si Wangzhen ay iniwan na siya ng kanyang tunay na ina sa kanyang ama na si Wangman. Si Wangman, habang pinapalaki niya ang kanyang anak, ay nasangkot sa isang aksidente. Sa kasamaang palad ay naputol ang kanyang kamay sa isang konstruksyon na trabaho. Ang pangyayaring ito ay naging dahilan upang maging part timer na lang siya. Hindi nagiging sapat ang kinikita niya para sa kanyang pamilya.


Hindi pa natatapos ang pagsubok, pumanaw naman ang lola ni Wangzhen na naging sanhi ng pagiwan ng malaking utang na kailangan bayaran ng pamilya. Pero kahit mahirap ang buhay, hinarap nila ito. Muling nagmahal ang ama ni Wangzhen. Ang pangalawang asawa ng kanyang ama ay si Liang Yunchun. Buong pusong tinanggap ni Wangzhen ang kanyang bagong ina.



Sa kasamaang palad ay nagkaroon ng sakit ang kanyang stepmom. Ang sakit na ito ay acute lymphoblastic. Ang sakit na ito ay kailangan madala kaagad sa ospital. Ito ang naging dahilan ng pagpupulot ng basura ni Wangzhen. Sa kakarampot na kinikita niya ay itinutulong niya sa kanyang tinuturing na ina. Bukod pa dito ay lagi niya itong dinadalaw sa ospital upang pakainin, punasan ang pawis, paypayan kung mainit.


Sa kalahating araw ng pamumulot basura, nakakalikom lamang siya ng 2.5 Yuan. Ito ay ginagamit niya pambili ng gamot para sa kanyang stepmom. Noong Oktubre 2014 ay naaksidente si Wangzhen. Malala ang nangyari na halos muntik na niyang ikamatay. Sa kabutihang palad siya ay nakaligtas ngunit isang malaking peklat ang iniwan nito sa kanang binte. Nakakabilib ang pinamalas na pagtulong ni Wangzhen para sa kanyang tinuturing na ina. Bibihira lang ang mga batang ganun. Sa murang edad ay naiisip na nilang tumulong. Nakakalungkot lang isipin na 1 million yuan ang kinakailangan upang magamot ang kanyang stepmom. Hindi na ito sinabi kay Wangzhen ng kanyang mga kamag-anak. Maging halimbawa ka Wangzhen sa mga kabataan. Isang halimbawa ng walang limitasyong pagmamahal para sa iyong magulang.





error: Content is protected !!