Kilalanin ang tinaguriang “Sampaguita Girl”, at mamangha sa angkin niyang kagandahan



Maraming mga tao ngayon ang madaling mabighani at mapukaw sa magagandang mukha ng mga tao sa kanilang paligid. Gaya na lamang ng nangyaring ito sa isang dalagang nagtitinda ng sampaguita sa Quiapo na talaga namang nakapukaw sa atensyon at sa puso ng maraming netizen.

Nakilala ang dalagang ito bilang si Veronica Rodillas na talaga namang pinagkaguluhan dahil sa kanyang angking kagandahan. Sa nasabing kumalat na larawan, siya ay nakasuot ng “fitted blouse” na kulay pink at maong na pantalon habang nagtitinda ng mga sampaguita sa lugar ng Quiapo. Mayroon siyang makinis at morenang balat, itim at tuwid rin ang kanyang buhok at mayroong mapupungay na mata. Isa rin siya sa mga tinaguriang “girl-next-door”.


Bukod sa kagandahang panlabas ng dalaga ay mayroon din siyang mabuting kalooban. Ayon sa ilang ulat, limang taon pa lamang siya nang magsimula siyang magtinda ng mga sampaguita. Ito ay matapos nilang lisanin ang kanilang probinsiya dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Kasama niya ang kanyang ina na mag-isang nagtaguyod sa kanya.




Labing-apat na taong gulang na si Veronica at siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Araullo High School. Tuwing Biyernes ng umaga ay tinutulungan niya ang kanyang ina sa pagtitinda ng Sampaguita bago siya pumasok ng 11 ng umaga sa kanyang klase. Mas marami pa ang mga taong namangha sa dalaga dahil hindi nito ikinahiya ang trabaho ng nagtataguyod sa kanilang mag-ina. Hindi rin naging hadlang ang kanyang pag-aaral upang matulungan ang kanyang ina sa paghahanap-buhay. Tunay ngang isa siyang inspirasyon sa maraming kabataang Pilipino ngayon.


Hindi maipagkakailang malaki ang naitutulong ng social media at modernong teknolohiya sa pagdiskubre pa ng mga natatanging talento ng mga Pilipino, gayundin naman ang mga nakakabighaning ganda ng bawat Pilipino.





error: Content is protected !!