Mga Negosyong hindi natin na alam na pagmamay-ari ng ilang mga Sikat na Artista



Marami tayong mga hinahangaan na artista. Ikinabi-bilib natin ang angking talento na pinamamalas nila. Ang iba pa nga ay inaalam ang kanilang mga natatamasang yaman dahil sa kanilang tagumpay. Hindi biro maging artista. Kaakibat nito ang pagod at puyat na kanilang ginagawa. Kaya naman nakaka-bilib ang ilan sa mga artistang imbis na sa luho ilagay ang nakukuhang pera, inilalagay nila ito sa negosyo.

Ito ang 14 na mga sikat na artista at kanilang mga negosyo:



Anthony Taberna


Si Anthony Taberna ay nagmamay-ari ng isang bakery na ang pangalan ay “Ka Tunying’s Cafe”. Ito ay matagagpuan sa Quezon City.


Anne Curtis


Noong Setyembre 20, 2017, ay binuksan ang sariling make-up line ni Anne Curtis. Ang pangalan ng cosmetic line ay “BLK Cosmetic”.


Vice Ganda


Pagkatapos buksan ang kilalang gastropub na business ni Vice Ganda na District 8, ay nagbukas din ng isang make-up line na ipinangalan sa pangalan niyan “Vice Ganda”.



Carla Estrada


Si Carla Estrada naman ay nag-franchise ng isang foos stall na ang pangalan ay “RUSTIC BOX STEAK HOUSE” na matatagpuan sa Novaliches, Quezon City.

Sam Milby


Si Sam Milby naman ay isang co-owner ng isa sa mga sikat na restaurant bar sa BGC na ang pangalan ay “Prost Braumeister”



Richard Yap


Si Richard Yap naman ang may ari ng restaurant na ang oangalan ay “Wangfu” at isang gastropub na ang pangalan ay “Luna J”.

Nash Aguas and John Barameda


Ang mga dating goin bulilit na mga child aktors ay nagsama upang magtayo ng isang Japanese Restaurant business na ang pangalan ay “Muramen”.

Nadine Lustre


Si Nadine Lustre naman ay nag-franchise ng isang nail and body spa na ang pangalan ay “Nails.Glow”.

Kathryn Bernardo


Si Kathryn naman ay nagmamay-ari ng isang nail salon na ang pangalan ay “KathNails by KCMB” na nagbukas noong May 2017. Ang unang branch nito ay matatagpuan sa SM The Block.

Jodi Sta. Maria


Si Jodi Sta Maria naman ay nagmamay-ari ng isang milkshake bar na ang pangalan ay “Happy Barn Milkshake Factory” at isang gastropub na ang pangalan naman ay “Rue Bourbon Bar and Restaurant”.

Jericho Rosales


Si Jericho Rosales naman ay nagmamay-ari ng isang barbershop na matatagpuan sa Cubao at Balintawak. Ang pangalan ng business na ito ay “Talas Manileño”.

JC de Vera


Matatagpuan naman sa BF homes, Paranaque and Circuit Makati ang business ni JC De Vera. Ang pangalan ng restaurant ay “The Burgery”.

Vice Ganda, Daniel Padilla, & Billy Crawford


Ang tatlong sikat na artista na ito ang nagmamay-ari ng “District 8” na matatagoyan sa Greenhills shopping center sa San Juan.

Bianca King


Isang healthy food restaurant na matatahpuan sa Tomad Morato, Quezon City ang “Runner’s Kitchen”. Isa sa mga owner dito si Bianca King.




error: Content is protected !!