Nakakamangha ang tahanan nina Julius Babao at Christine Bersola aakalain mong museo ito dahil sa dami ng mga artworks at paintings!



Si Julius Babao o mas kilala rin bilang Julius Caesar Concepcion Babao, 50-taong gulang, kilalang mamahayag sa telebisyon. Ikinasal siya kay Christine Bersola noong 2003 at mayroon silang dalawang anak, sina Antonia at Antonio Babao. Kamakailan lamang ay naging usap-usap sa social media ang mala-museo nilang tahanan na punong puno ng mga art collection mula sa mga dayuhan at loka na pintor na kilala sa larangan ng sining.




Ang kanilang tahanan ay kilala bilang “Casa Uccelo” na ang ibig sabihin ay “House of Birds”. Isa sa mga paborito niyang pintor ay si Elmer Borlongan kung saan mayroon siyang mga pinta nito na pinamagatang “Kapit Tuko” na cover na rin ng isang libro na may pamagat na “Private Collections”, ganoon din ang “Hari Sonik” na mayroon din siyang katulad na toy ng painting na ito. Mayroon din siyang painting na likha ni Bermudez na isang Davao-based artist na mahilig sa mga “strong subjects” at may pagka-historical din ang kanyang mga tema.


Paborito din niya ang mga gawa ni Jovin Mansit na kilala sa paggamit ng mga lumang larawan at paglalagay ng mga simbolong maglalagay ng kakaibang tema sa larawan. Si Mark Aran Reyes naman ay inilarawan niya bilang minimalist at gumagamit ng needle brush para sa mas detalyadong mga obra.



Mayroon din siyang painting ng American-based artist na si Soyeon Lee na ilan sa mga suki ay si Alicia Keys at iba pang sikat na personalidad. May artwork din siya ni Jana Brike isang Latvian artist na talaga namang nakakamangha rin ang ganda.


Mayroon din silang prayer room sa kanilang tahanan na ayon na rin sa kanya ay sentro ng kanilang sambahayan na puno rin ng maraming painting. Mahilig rin siya mangolekta ng mga damit mula sa kilalang brand na “Supreme”, isa sa mg paborito niya ay nga baseball shirt mula sa Supreme ang Louis Vuitton na isang “rare” shirt na maituturing.






error: Content is protected !!