Silipin ang buhay at yaman ng doktora ng maraming artista, Dra. Vicki Belo



Si Dra. Vicki Belo o mas kilala rin bilang si Victoria Gonzalez Belo-Kho ay isang sikat na personalidad at taga-pangalaga ng kutis at mukha ng mga sikat na artista at personalidad sa industriya ng show business. Siya ay 62 taong gulang na. Ikinasal siya kay Hayden Kho noong 2017. Siya ay may tatlong anak na sina Quark Henares, Cristalle Henares, at Scarlet Snow Belo.


Si Dra. Vicki ay kilalang celebrity dermatologist ng mga sikat na Kapamilya at Kapuso artists. Lingid sa kaalaman ng nakararami na sa loob lamang ng 13 taon ay nakapagtaguyod na siya ng tatlong malalaking kompanya, ito ay ang Belo Medical Group o BMG, Intelligent Skin Care Inc. at Intelligent Beauty Skin Solutions. Ayon sa ilang ulat, umaabot raw diumano ng 1 bilyon ang pinagsama-samang kita ng tatlong mga kompanyang ito noong 2015.




Samantalang taong 1999 naman ng naitatag ni Dra. Belo ang cosmetic surgery at aesthetic dermatology company sa Pinas. Kung saan ito ang naging kauna-unahang nagpakilala sa lahat ng liposuction at laser sa ating bansa. Ito rin ang pinakaunang accredited “ambulatory cosmetic surgi-centre” dito sa Pilipinas.


2004 naman ng pinangunahan din niya ang Intelligent Skin Care na gumawa ng mga produkto ng Belo Essentials na pinamamahalaan ni Cristalle Henares, anak ni Dra. Belo sa unang asawa nito na si Atom Henares. Pinangunahan din ni Dra. Belo ang ikatlong kompanya niya na Intelligent Beauty Skin Solutions na kilala rin sa mga “non-invasive and non-surgical beauty treatments”.
Kung dati ay nasa ilalim ng pangalan niya ang mga kompanyang ito, 2016 nang napagdesisyunan niyang ilipat ito sa pangalan ng kanyang mga anak.



Sadyang nakakamangha nga ang yaman ng sikat na doktor ng mga artista na ito! Dahil sa pagmamahal niya sa napili niyang larangan, siya ngayon at ang kanyang mga anak ay kilalang matagumpay na sa industriya. Sila ay inspirasyon din sa maraming Pilipino.




error: Content is protected !!