Isang tapat na customer ang nagsoli ng sobrang sukli sa isang Pinay na kahera at may kasama pang tsokolate!



Alam ng maraming mga manggagawang Pilipino ang hirap lalo na kapag nagkakamali tayo sa oras ng trabaho. Dahil anuman ang mangyari ay magiging pananagutan mo ang nasabing kamalian at ikaw din ang kinakailangang magbayad ng kamaliang ito.


Isang Pinay na kahera sa Dubai ang lubos na nagpasalamat sa tapat na customer na ito dahil sa pagsasauli niya ng sobrang pera sa Pilipina. Bukod dito ay mayroon din siyang tsokolateng ibinigay sa kaniya. Napaka-sweet naman hindi ba? Si Nerissa Maglanque ay nagtatrabaho sa isang foreign exchange counter sa Dubai Airport. Noong nakaraang lunes, habang nagbibilang na ng kaniyang kaha ang 27-taong gulang na si Nerissa ay nadismaya na lamang ito ng madiskubreng kulang ang kaniyang cash box ng Dh390 o P5,500!



Dahil sa ang katumbas na halaga nito ay 100 euros, agad naman siyang tinulungan ng boss niya na hanapin ang customer na posibleng nagpalit ng ganoong halaga sa kaniya. At sa kanilang pagsasaliksik ay nakita nga ni Nerissa ang isa sa mga customer na nabigyan niya o napasobrahan niya ng pera. Laking panlulumo niya ng hindi sumasagot ang lalaki sa kaniyang mga tawag. Ngunit nabigla siya at labis na nagpasalamat na sumagot ang kaniyang customer. Ang napagbigyan niya pala ng sobrang pera na nawawala sa kaniyang kaha ay si Pierre Yves Couplet, isang Belgian national. Siya ay isang export manager sa isang kompanya ng tsokolate sa Germany at nasa Dubai lamang siya para sa 4 na araw na business trip niya at upang puntahan na rin ang Gulfood exhibition.


Nang sila ay magkita hindi lamang sobrang pera ang iniabot ng lalaki kundi mga tsokolate rin. Labis labis ang pasasalamat ng Pinay dahil sa pagiging busilak ng puso ng lalaki! Tunay ngang hindi araw-araw ay makakatagpo ka ng espesyal na taong katulad niya.





error: Content is protected !!